Leik Andrey - One

24.5K 1K 247
                                    

LEIK

PINATAWAG ako ni Tita Aeickel sa Phyrric ngayon. Wala akong ideya sa dahilan. Gusto ko lang sanang itulog ang araw na ito dahil ngayong araw lang ako na ito walang shoot.

Pagdating ko sa Phyrric ay sinalubong ako ng mga naggagandahang agents. Napapabilib talaga ako ni Aeignn sa pagkuha ng mga agents. Ang gaganda pero parang mga off-limits. Parang mga babarilin ako sa ulo kapag pinairal ko sa kanila ang pagiging gago ko.

"What's up?" pambubulabog ko kay Aeignn na ngayon ay parang ang dami-daming pinipirmahan.

Isa iyan sa mga hindi ko sinang-ayunan kaya ayaw kong pumasok sa Phyrric. Lumihis talaga ako ng landas sa pagiging agent. Kung sabagay, sa aming walo ay sina Aeiryn at Aeignn lang naman ang naging secret agents at ang kuya Ayler at Laeven ay nakapag-asawa ng mga secret agent.

"Mom asked for you?" tanong niya sa akin saka niya binitawan amg ballpen niya.

"Oo. Palagay mo ba bakit? Wala akong ginagawang katarantaduhan nitong mga nakaraan. Isa pa, na-settled na rin iyong issue kay Donna. I never fucked her and yet she's claiming that I got her pregnant. Ano bang tingin niya sa sperm ko? Nangangapit-bahay?" reklamo ko sa kaniya at inilingan lamang niya ako.

"Just go to her office, kuya Leik. Hindi ko rin alam ang rason," bored na sagot niya sa akin kaya't tinalikuran ko na lang siya at tumungo na sa opisina ni tita Aeickel.

Marami sa aming magpipinsan ang takot sa kaniya pero hindi ako. Chill na chill lang ako kapag kaharap ko siya. Siguro dahil ito talaga ako?

Pagpasok ko sa opisina niya ay nakaupong babae na mukhang isa ring secret agent dahil parang mabangis na leon din ang datingan niya sa akin ang nadatnan ko.

"You're finally here. Sit down, Leik Andrey," walang emosyon na utos sa akin ni tita Aei kaya't agad akong sumunod sa kaniya. Naupo ako kaharap ang babaeng mukhang magagalitin.

"Chief—"

"He's Leik Andrey Laugthner, Syreen. Alam kong kilala mo siya. I once saw you watching his afternoon drama," putol ni tita Aeickel sa dapat sasabihin ng babae at awtomatikong napangisi ako.

"So this woman here is my fan? What do you want from me? Autograph? Hug? Kiss?"

"Bwakanang ina ka ba? Hindi mo 'ko fan, excuse me! Ang assuming mo! Sungalngalin kita riyan, makita mo!" she replied like a squammy that amused me. Iba ang tabas ng dila niya.

I laughed. A hard one. "You're one of a kind," I said while laughing.

"C–Chief, ibang misyon na lang po. Huwag lang siya. P–Please po, Chief," baling niya kay tita Aeickel at nakita ko pa ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata.

"Is she the woman you told Mom, tita? My bodyguard?" tanong ko rin kay tita Aeickel at sunod-sunod siyang tumango.

"Chief—"

"I'm good with it. Shall I sign a contract?" putol ko sa dapat sasabihin niya. I want her. I want to annoy her 'cause it looks like that she despises me. Mahilig pa naman akong mang-inis ng mga tao na tahasang pinapakita na hindi nila ako gusto.

"No need of a contract, but I need to talk to Syreen first. Makakaalis ka na," sagot sa akin ni tita Aei.

Nilingon ko si Syreen at kinindatan ko pa siya na mukhang lalo niyang ikinapikon bago ako lumabas ng opisinang iyon.

My life would be more fun from now on, I guess.

       

KATATAPOS ng shoot ko at nakasimangot na mukha ni Syreen ang sumalubong sa akin.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα