Chapter 44 : Copy

1.4K 60 18
                                    

Chapter 44 : Copy

Dahil sa sinabi ni Yatzi hindi ko na nagawang magsalita o sumagot sa kanya. I was so shocked of what he just told me. Dahil doon kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Tanging sinabi nalang ni Yatzi na sya na daw ang bahala, he will handle everything at sisiguraduhin nyang walang ibang makakaalam kung nasaan ako ngayon... even my real father.

Wala akong masabi... hindi ko mahanap ang salitang dapat kong sabihin dahil sa nararamdaman ko ngayon. Si Yatzi na ang tumapos ng tawag. Itinabi ko ang cellphone sa bag at sumandal sa kinauupuan habang malalim ang iniisip.

Nang makapasok ang lahat ng players at sila coach sa bus... nagsimula na ang byahe. Buong byahe pabalik sa Resort naging tahimik ako. Sinubukan akong kausapin ng katabi kong si Tamina at tinanong kung okay lang daw ba ako... I told her I was fine and I'm just tired of the game.

She understand so after that I remained silent. Nang makarating sa Resort, ganun parin. Habang ang mga players ay nag-aya muling magswimming at mamasyal sa buong Resort tutal maagap pa naman it's just 3pm in the afternoon.

Sa isang araw pa ang next game namin against Barry High. Nanalo sila kanina laban sa Young High kaya sa pag-abante ng School nila... tumapat yon sa amin kaya sila naman ang makakalaban namin.

Nauna na akong dumiretso sa room namin dahil wala akong balak mag-swimming or mamasyal. I want to rest and sleep. But I don't think I can sleep because of what Yatzi said about my real father. And I'm starting to overthink right now, damn it!

Hindi ko na napansin ang oras o kung gaano na ako katagal sa loob ng CR dahil sa sobrang pag-iisip ko tungkol don. After all this time bigla-bigla syang babalik at hahanapin ako?? And how the hell did he knows about my mothers death. Sa pagkakaalam ko noong iwan nya kami ni Mama... pinutol na ni mama ang ugnayan namin sa kanya, even our communication... nothing.

Umalis kami sa dati naming Mansion para lang makalimot si mama sa lahat ng nangyari. She bought a condo... pero isang taon lang kaming nanirahan doon dahil after makasal ni mama kay Yatzi... lumipat kami sa Mansion ni Yatzi.

Of course noong una hindi ko matanggap ang pagpapakasal nila lalo na ang pagtira namin sa mansion nya. I was so mad of my real father, pero bakit isang taon palang ang nakakalipas pinalitan na nya agad si papa at pumayag si mamang tumira pa sa kanya.

That time kahit galit ako, umaasa akong babalikan nya parin kami ni mama. Pero nung nag highschool na ako saka ko narealize at naunawaan ang lahat. He will never comeback, Gwen... dahil may naunang pamilya na sya and he choose them. Hindi ko matanggap na niloko nya si mama... at ako for almost 7 years.

Sa loob ng isang taong kami lang ni mama ang magkasama... I never saw her smiled again. And I'm very worried about her. Hindi man nya sabihin... nararamdaman ko ang lungkot nya. Condo-opisina lang sya palagi... minsan hindi ko pa makausap. Nililibang nya ang sarili nya sa pagtatrabaho at alam kong para makalimot lang sya, kaya si mama ganoon.

Hindi naman nya kinalimutan ang pagtuturo sa akin ng larong volleyball, pinagpatuloy nya parin iyon para daw sa akin, although hindi nga lang sya tulad ng dati habang nagtuturo, dahil naging strikta sya sakin. Napapadalas ang pagsigaw nya at everytime na masisigawan nya ako bigla syang tatahimik at marerealize ang ginawa saka biglang magsosorry at magwa-walk-out.

But when the time he met Yatzi Suriyo... alam kong dahil sa trabaho kaya sila nagkakilala. Ilang months... napapansin kong unti-unting bumabalik ang dating si mama... lalo na nung ikinasal na nga sila, although I never treated Yatzi as my second father. Hindi naman ako yung tipo na nagrebelde sa pamilya... hindi ko lang talaga sya pinapansin dahil ang isip ko noon sa kanya... baka lokohin nya lang din si mama tulad ng panloloko ng aking tunay na ama.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon