Chapter 53 : BEAST IN FRONT

2.2K 81 73
                                    

Chapter 53 : BEAST IN FRONT

Natapos na ang technical time-out.

"Dahil sa nangyari kanina, ang pinaka gusto kong gawin nyo sa loob ng court... ay kumalma..." -Coach Amber at inisa-isa nya kaming tingnan.

"Relax lang kayo at wag kayong magpapadala sa susunod na gagawin nila o sa mga sasabihin nila, okay?"

Pareho kaming dalawa ng pakiramdam ni Coach Amber na may gagawin pa ang kalaban na maruming laro laban sa amin. Kaya kailangan namin mag-ingat at huwag magpadalos-dalos.

Pumasok na kami sa loob ng court maliban kay Hanna na tahimik na nakaupo sa bench. Sa ngayon, si Mia ang papalit sa kanya. Wala kaming libero para maging defense specialist pero... nandito naman ako.

Same position and rotation.

"Kamusta libero nyo?? knock out ba?" sarkasmong tanong ng Captain ng Slaughter High-(Karina)

Heto na...

"Tsss ang hina ng tira mo, Masha... nakatayo pa nga kanina yung player nila e." player1-(Beatrix)

Mahina??

"Mahina?? dumugo nga ilong nung libero nila hahaha." player2-(Masha)

Anong nakakatawa!

Unang dumapo ang mata ko kay Liza na nanlilisik na ang mga mata sa kalaban namin. At hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pasensya nya dahil sa nakikita ko mukang mapipigtas na... pero sana hindi mawala sa isip nya ang salitang sinabi ni Coach Amber sa amin kanina.

'Dahil sa nangyari kanina, ang pinaka gusto kong gawin nyo sa loob ng court... ay kumalma. Relax lang kayo at wag kayong magpapadala sa susunod na gagawin nila o sa mga sasabihin nila, okay?'

"Sabagay... sa totoo lang mahina pa nga ang tirang yon." walang emosyong sambit ng kanilang setter-(Leslie) Humawak pa sya sa net at nag-iwan ng nakakalokong ngiti sa amin. "Kaya magpasalamat kayo..." saka muling bumalik sa dati ang walang emosyon nitong mukha.

.
.

'Mahina pa sa kanila ang spike na yon?? nagbibiro ba sya?? pwes! hindi nakakatawa!

.
.

Mula dito sa kinatatayuan ko, pansin ko ang pagkuyom ng dalawang kamao ni Lorraine na nasa unahan habang nakatalikod. Katapat nya ang setter ng kalaban. Hindi ko man nakikita ang mukha nya ngayon... sigurado akong naiinis sya sa sinabing iyon ng setter.

"Hays sana pala nilakasan ko pa para... comatose na ang babaeng yon!" player2-(Masha)

Napahakbang ng isa si Anne pero huminto agad sya habang masama ang tingin sa player number 2. Sa nakikita ko pinipigilan lang nya ang sarili nyang sugudin ang spiker ng kalaban. Kahit ako hindi ko nagustuhan ang mga sinasabi nila sa amin pero kailangan ng team ko na kumalma muna dahil pag nagpadalos dalos kami... baka ikatalo pa namin.

"Wag naman kayong ganyan sa kanila... baka matakot na ang mga yan dahil sa sinasabi nyo! hahaha." sarkasmong sabi ni player3-(Eudora)

"Hays!! mabuti pa dating gawi nalang. Mukang gaganahan pa kasi akong maglaro ngayon..." lumakad palapit paunahan ang captain nila saka nito inakbayan ang kanilang setter.

.

.

.

"One down... many to go, wanna bet... again??" she said habang ang mga mata ay na kay... TAMINA.

Seryoso ang matang nakatingin ang Kapitana namin sa kabilang captain. At talagang nagiinit na ang mga titig nila sa isat-isa.

.
.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon