Chapter 33 : Smash

2.5K 74 49
                                    

Chapter 33 : Smash

***
        G I R L S G A M E C H A R T
                          Monday
[Cambellvs.Clifford][Lunavs.Ligaya]
              |                                  |
              |      Wednesday      |
  [Campbell]         vs.           [Luna]
                                |
                                |
                    [CAMPBELL]

                              VS. ---> Friday

                     [ENVERGA]
                                |
                                |
       [Enverga]      vs.      [Cagsiay]
             |       Wednesday       |
             |                                  |
[Macasinvs.Enverga][Rizalvs.Cagsiay]
***

"ENVERGA!!!"

"ENVERGA!!!"

"ENVERGA!!!"

"GOOO ENVERGAAAAAAA HIGH!!!"

Pansin kong mga taga Enverga High ang pumuno sa napakalaking gym ng Campbell High. Talagang suportado sila ng Campus nila. Pinakilala na isa-isa ng MC ang first six ng ENVERGA High... at ngayon isa-isa silang naglalakad papasok sa inside court.

"OhMyGhod! ang tatangkad nila..." sambit ni Hanna.

Tama si Hanna, mas matatangkad nga ang mga players ng kalaban kesa samin.

"Alam mo ba nung Wednesday... tinambakan nila ang Cagsiay." ani Lorraine kay Hanna.

"Talaga..."

"Hindi lang tinambakan... nilampaso pa." sabi naman ni Liza.

"3-0 sa set. 25-14, 25-13 at 25-9." seryosong sabi ni Anne habang matalim ang matang nakatingin sa mga players ng ENVERGA.

Singkit na nga ang mata, pinasingkit nya pa lalo.

"Nanood kayo??" tanong ni Hanna.

"Oo naman, kami nila Liza, Lorraine at Tamina nanood." sagot ni Anne saka ito bumaling kay Hanna. "Asan kaba nung laban nila nung Wednesday??" tanong nya kay Hanna.

"Kasama ko si Gwen... nasa Cafeteria ata kami non hehehe."

"Pinag-aralan namin ang laro nila, at talagang malakas sila sa depensa... dahil narin matatangkad sila." -Tamina

"Tama si Captain, talagang lalampasuhin ka nila sa puntos dahil sa depensa nila." -Liza.

"Tsss sa tingin ko naman mas malakas tayo, papatalo ba naman tayo! syempre hindi diba." maangas na sabi ni Lorraine.

Nakikinig lang ako sa usapan nila, habang ang mga mata ko ay nakatingin sa mga players ng ENVERGA.

Hindi ko napanood ang laban nila nung Wednesday... pero base sa sinabi ni Tamina na malakas ang depensa ng kalaban namin ngayon... then what about their offence??

Malakas din ba??

Singlakas ba ng depensa nila ang opensa nila??

Dahil kung hindi... madali lang silang talunin.

Ilang minuto... kami naman ang pinakilala ng MC at isa-isang pumasok sa inside court.

Pangalawa sa huli akong tinawag at sa back position ako ilalagay ni Coach Amber. Bakit nga ba sa huli?? Bago ako maglakad sa inside court, makahulugan nya muna akong tiningnan mata sa mata... at saka ko nakuha kung bakit sa likod nya muna ako inilagay.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon