Chapter 3 : Save By The Bell

2.1K 73 3
                                    

Chapter 3 : Save By The Bell

Afternoon class at kanina ko pa napapansin na pasulyap-sulyap ang katabi ko. Ano namang problema ng isang to! Medyo nailang tuloy ako kay Hanna, tuwing lilingunin ko sya biglang ngingiti.

May saltik ba sya??

Matapos ang buong klase ay nagpasya akong dumaan muna sa locker para ilagay ang ibang mga gamit ko doon.

"Gwen... Gwen..."

Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si Hanna na tumatakbo palapit sakin.

"Yes??" tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko na nilalagay sa locker.

"Pauwi ka na ba??" tanong nya.

"Oo."

"Sabay na tayo."

Sinara ko ang locker ko at nilingon sya bumungad sakin ang abot tenga nyang ngiti habang ako ay walang emosyong nakatingin sa kanya.

Weird.

"Sure."

Sabay kaming naglakad. Napadaan pa kami sa gitna ng quadrangle at may mga naglalaro doon...

...ng Volleyball.

REALLY??? VOLLEYBALL???

Sinadya kong bilisan ang lakad. Pero bigla akong hinawakan ni Hanna kaya napatigil ako at binalingan sya.

"Wait... manood muna tayo." sabi nya habang nakatingin doon sa mga babaeng naglalaro ng Volleyball.

"Ahm, ikaw nalang. Kailangan ko na kasing umuwi." sabi ko na parang hindi naman nya narinig.

Ang dami na kasing estudyanteng mga nanonood at mga nagsisigawan.

OH GREAT!!!

Ayoko nga ng may kinalaman sa Volleyball, tapos eto naman ngayon. Manood daw kami. Mula sa kinatatayuan namin ay tanaw namin ang mga babaeng naglalaro sa gitna ng quadrangle. May nalakagay na net doon.

"Alam mo bang volleyball ang famous sports dito sa Campbell High, kaya tingnan mo oh... ang daming nanonood na estudyante." biglang sabi ni Hanna.

Dumako ang mata ko sa bolang nagpapalitan ng pwesto sa magkabilang panig. Tumalon ng mataas ang isang babae at malakas nyang in-spike papunta sa kabila ang bola.

"WWOOOOAAHHHHHHHHH!!!" sigawan ng mga manonood.

Not bad. Malakas syang mag-spike.
Pero wala pa sa kalahati ng lakas na kaya ko kung ako ang gagawa nun.


Oh shit!! Stop thinking about volleyball Gwen. Break na kayo ng volleyball na yan, okay!?

"Halika Gwen..." hindi ko inaasahan ang biglang paghila sakin ni Hanna papunta sa gitna ng quadrangle palapit sa mga naglalaro.

"Uy Hanna!" sabi nung isang babae ng makita ang kasama ko. Huminto muna sila sa paglalaro at lumapit samin ang apat na babae. Habang yung iba ay nagpatuloy sa paglalaro ng volleyball.

"Nagpa-practice kayo??" tanong ni Hanna.

"Hindi, nagpapapawis lang kami tutal tapos na naman ang klase. Ano kumusta??"

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon