Chapter 49 : Dirty

1.2K 51 17
                                    

Chapter 49 : Dirty

In every sports, your team becomes your family. The ball becomes your bestfriend. The court becomes your home. And the game becomes your life. At sa bawat game na ating nararanasan, manalo man o matalo, palarin man o hindi , may ibat-iba tayong natutunan sa buhay pagdating sa larong volleyball at sa iba pang sports.

Masaya na ako everytime na hahawak ako ng bola at tatapak sa gitna ng court kaharap ang mahabang net. I'm satisfied enough everytime I dig and received the ball, have a lot of aces everytime I served, blocked the opponent and of course... spiking the ball then scored.

Something about volleyball make you want to play it nonstop?? It's the greatest stress reliever! theres nothing better than the feeling that you can spike the ball at the opponent. Masaya na ako noong nasa Sutoku High pa ako. Naglalaro at lumalaban ng volleyball while representing the country. Manalo ng sunod-sunod sa Campus Clash Inter High in three consecutive years with the best players in Japan.

.

.

.

Pero hindi ko ata akalaing mas sasaya pa pala ako.

.

.

.

I thought volleyball lang ang magpapasaya sakin. Hindi lang pala... dahil sa larong volleyball nagkaroon ako ng mga kaibigan na ituturing ka pang isang pamilya.

.

.

.

Nasa Convention Center na kami, sa locker room. Lahat kaming Team Girls ay tinipon ni Coach Amber para sa mabilisang pagpupulong. Semi Finals na... kalaban namin ngayon ang Slaughter High na isa sa sinasabi nilang kinatatakutang Campus pagdating sa Volleyball.

Wala pa akong idea kung paano maglaro ang mga players ng School na iyon dahil unang beses ko pa lamang silang makakaharap at makakalaban. Sabi nila marumi daw ito makipaglaban sa court... at asal kalye kung maglaro ng volleyball.

'Then kung marumi silang maglaro... paglilinisin ko sila ng mga kalat na kanilang gagawin sa game. At kung magkakaroon ng dayaan, ako ang maglilinis sa kanila mismo.'

.

.

.

"Teams... we're now in Semi Finals... our last game here at the Provincial Meet. I'm already proud in all of you dahil nakaabot tayo dito. But this time, alam nating lahat na hindi basta-basta ang makakalaban nyo ngayon..." -Coach Amber.

"We can take care of it, Coach." ani Liza.

"I know but... yung mga datihang players natin... I know you all..." tiningnan isa-isa ni Coach Amber ang mga datihan ng player ng Campbell. "Alam nyo naman ang nangyari last year... so please... ayokong maulit at makita iyon mamaya sa game nyo."

Napatingin ako sa mga kateammates ko... kina Liza, Lorraine, Anne at Tamina na mga datihan ng players. Napabuntong hininga sila dahil sa sinabing iyon ni Coach. Binaling kong muli ang paningin kay Coach.

What is she mean??

"Lagi kong sinasabi sa inyo na maglalaro kayo bilang kung sino kayo... kung paano lumaban ng malinis at may disiplina sa loob o labas man ng court."

Ano bang nangyari last year sa laban nila against Slaughter High??

"We will do that, Coach..." ani Tamina.

Ngumiti si Coach Amber at tumango sa aming lahat.

"Naniniwala ako sa inyo..." huling sinabi ni Coach bago kami lumabas ng locker room.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon