Chapter 32 : Pout

1.8K 60 12
                                    

Chapter 32 : Pout

In the middle of thinking... someone block my view while I'm looking at the field. Umangat ang paningin ko sa babaeng nakatayo sa harapan ko.

Ganon parin as always, her serious look at mataray na mukha, sa unang tingin talaga kakatakutan mo ang aura at dating nya, lalo na pagdating sa volleyball.

I'm talking about my Captain, si Tamina. Naglakad sya palapit sakin at umupo sa tabi ko. Hindi naman ako umangal dahil okay lang sakin, nagtataka lang ako kung bakit ngayon lang sya dumating dito sa School. Kanina pa kasi nagsimula ang laban ng Boys against Cagsiay High, pero mukang wala ata syang balak manood dahil late syang dumating.

Ilang minutong lumipas at walang nagsasalita samin, wala ding tinginan sa isa't isa. Hindi naman awkward pero pakiramdam ko may gusto syang sabihin.

"I'm sorry." she said. And there it is, kaya bumaling ako sa kanya habang nakatanaw parin sya sa malayo.

Ramdam ko naman ang sinseridad nya kaya naman...

"It's okay, I understand." sagot ko at dun palang sya lumingon... Saka ako tinitigan ng matagal.

Hanggang sa hindi ko naman inaasahan ang mga sasabihin nya.

"Hindi ako makapaniwalang nasa tabi ko at kausap ko ang matagal ko ng iniidolo." she smirked... then smile at me. "Hindi ako makapaniwalang nandito ka sa Pilipinas."

.

.

"Hindi ako makapaniwalang nag-aaral ka dito sa Campbell High..."

.

.

"Hindi ako makapaniwalang... nasa team ka namin ngayon."

.

.

"At hindi ako makapaniwalang kasama ka namin... sa larong volleyball."

Wala akong masagot sa mga sinabi nyang iyon. Hindi rin kasi ako makapaniwala na nasasabi nya ang mga iyon ngayon.

But while I'm looking at her eyes, she's very sincere and serious at the same time.

Hays.

"Pwes, maniwala ka na." yan nalang sinagot ko saka tumanaw muli sa malayo.

"Tsss...hindi ka lang sa court malakas mambara, pati rin sa pakikipag-usap."

"Queen of the Court..." maangas kong sagot. Napatawa naman sya ng mahina. Bumaling ulit ako sa kanya habang tumango-tango sya.

"I know... I know..."

Napangiti lang ako saka muling tinanaw ang malawak na field. Maayos naman pala syang kausap kahit papaano, syempre kapag napapalapit ka na sa kanya... tama nga si Hanna, mabait naman pala si Tamina.

"Alam mo ba nung wala ka pa dito sa Pilipinas... may pustahan kami ni Jigger."

Napalingon muli ako sa kanya at na-curious sa sinabi nya.

"What is it?"

Umayos sya ng upo bago sumagot.

"Idol namin pareho ang King and Queen of the Court ng Volleyball World, at alam kong medyo awkward itong sasabihin ko... Everybody knows that the King and the Queen are in relationship, at yung pustahan namin ni Jigger kung totoo ba yon o hindi. Pumusta sya sa 'Oo', he believes that you and the King of the Court are real life couple. But for me, I said 'No', hindi ako naniniwala..."

Wala sa oras na umangat ang isang kilay ko habang nakikinig kay Tamina. Pati talaga iyon pinagpustahan nilang dalawa?? For what?? Tsss I can't believe this... pero paano nya nasabing hindi sya naniniwala?? Well totoo namang hindi kami real life couple ng King Of The Court, ni Eren.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon