Chapter 37 : Mad

1.8K 70 22
                                    

Chapter 37 : Mad

Limang oras na byahe hindi ko man lang nagawang makatulog kahit konti o saglit lang dahil sa ingay ng mga boys na nasa unahan na kahit anong suway ng dalawang Coach ay hindi man lang tumitigil, idagdag mo pa ang katabi kong si Tamina na minu-minuto ang kwento ng kung ano-ano sakin.

Ngayon ko lang nalaman na madaldal pala sya kapag nakasundo mo. Marami din syang natanong sakin na iilan lang ang nasagot ko dahil ang iba don ay about kay Queen Of The Court kaya naman hindi ko pedeng sagutin. She understand naman kaya hindi nya na ko kinulit kulit pa.

Isa-isa ng bumaba ang mga players dala ang kanilang mga gamit. Nakita kong lumapit si Matt kay Anne para tulungan itong magdala ng mga gamit.

"Bakit ba naman ang dami mong dala-dala..." si Matt saka sinakbit sa likod ang dalawang malaking bag ni Anne at kinuha din nito ang malaking maleta ng girlfriend nya. "Isang linggo lang naman tayo dito, parang pang-isang taon tong dala mo." angal na dagdag nito.

"Kulang pa nga yan eh. I hope na may malapit na Mall dito para makapag-shopping ako ng mga kailangan ko." sagot ni Anne dito at sinakbit ang shoulder bag at ang bag na kung hindi ako nagkakamali ay laptop ang laman non.

Ang daming dala ah.

"Girl, gusto ko yang naisip mo. Itatanong ko pala kina Coach kung may malapit na Mall dito." tuwang-tuwang sambit ni Lorraine.

"That's a good idea. Marami pa kasi akong kailangang bilhin, kulang pa tong mga dala ko. I'm excited." Anne.

"Ano?? Sobrang bigat na nito kulang parin?? Babe hindi pa naman siguro tayo magtatanan nyan haha----." Matt.

Mabilis na hinampas ni Anne si Matt kaya natigil to pagtawa.

"Woi siraulo ka!!! Anong tanan sinasabi mo..."

Dinig ko ang tawanan ng iba sa likod. Ako naman ay binuhat na ang sariling mga gamit at naglakad na palabas ng bus.

"Baby, akin na yang gamit mo ako na magdadala." dinig kong sabi ni Joshua kay Liza.

"Aww sana all." kantyaw nila Prince at Daniel. Nakalabas na ako ng bus at nilapag muna ang maleta. Natanaw ko sila Coach sa may entrance at may kausap na babae.

"No thanks. Sigurado akong hindi mo kayang buhatin ang mga gamit ko. Baka nga makalas pa yang dalawang braso mo sa sobrang payatot mo e." maangas na sagot ni Liza.

"F. Y. I..... Itong mga braso ko... ang pinakamalakas na Barrier Breaker na kilala mo. Kahit block ni captain nababasag ko. Pagbubuhat pa kaya nyang mga gamit mo??" mayabang nitong sagot.

Nakalabas narin sila sa Bus. At dinig kong nagtawanan ang ibang lalaki sa sinabing iyong ni Joshua. Mayabang talaga!! Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nabasa ang pangalan ng tutuluyan namin. 'OUANS The Farm Resort.'

"So sinasabi mo bang babasagin mo din tong mga gamit ko??"

"That's not what I mean ang slow...."

"Pakyu!"

"Tinutulungan ka na nga, ang arte arte mo. Feeling mo maganda ka??"

"Feeling mo gwapo ka??" pagbabalik ni Liza kay Joshua. Para silang aso't pusa magtalo. Hindi rin tumigil sa pagtawa yung ibang mga players sa sagutan nung dalawa.

Naglakad-lakad ako para malibot ang paligid. May natanaw agad akong malaking pool doon at sa tapat non ay isang coffee shop. Nice. Marami ring puno at mga ibat-ibang klase ng halaman.

Sa gilid ng coffee shop may malaking Hall. Pinaggaganapan siguro ng ibat-ibang mga events. Nilibot ko pa ang paligid at may nakita akong mga cottages. Sa hindi naman kalayuan, naroon ang mga Rooms na hiwa-hiwalay.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon