Chapter 4 : Jump Serve

2.1K 68 1
                                    

Chapter 4 : Jump Serve

Nandito ako sa Mall kasama si Hanna. Tulad ng napag-usapan ay sinamahan ko syang bumili ng bibilhin nyang net at bola ng volleyball.

Hays.

Kahit anong layo ko at pag-usapan ang may kinalaman sa volleyball, hindi rin maiwasan lalo na at yung lagi kong kausap at kasama ay mahilig sa larong volleyball.

Naglalakad kami at hinanap ang store ng sports ball.

Nang makita namin ay agad na pumasok si Hanna sa loob. Pero ako, na-stuck na sa tapat ng entrance nun.

Paano ba naman... nakikita ko ang sarili kong stand picture sa mismong entrance nun na parang naka-model at may hawak na bola ng volleyball.

Stand Picture na kasing laki ko lang rin. Pula ang mahabang buhok na nakasuot pa ng jersey na pang-volleyball, habang hawak ng dalawang kamay ang bola na nasa tapat ng tiyan.

Hindi naman ako makikilala na ako si Queen dahil maikli na ang buhok ko at blonde ang kulay. Kung manipis ang kilay ko noon, ngayon ay makapal (mala-Cara Delevinge). Saka sobrang puti ko noon, pero ngayon hindi na masyado.

Hanggang dito talaga modelo ako sa larong volleyball at pati mukha ni Queen Of The Court ay naka-display dito.

Bumuntong hininga ako bago pumasok at hinanap si Hanna sa loob. Sa mga nadaan ko ay ibat-ibang klase ng bola ng ibat-ibat sports.

Natanaw ko si Hanna sa counter sa may cashier siguro at kausap ang isang babae kaya lumapit na ko.

"Wala na ba kayong stock miss??" tanong ni Hanna dun sa babae.

"Sorry mam, wala na po eh. Sale po ngayon kaya naubos rin po agad ang mga bola ng volleyball. Yun po talaga yung laging pinipilahan at binibili ng mga costumer na napunta dito." sagot nung babae.

"Ganun ba, sige miss thank you." sagot ni Hanna at humarap sakin.

"Wala na daw eh." malungkot nyang sabi at naglakad na kami palabas. "Paano na ako nyan makakapag-practice ngayon." sabi nya.

"Balik ka nalang dito malay mo meron na silang stock bukas." sabi ko.

"Sa Friday pa daw ang dating ng new stocks ng mga bola ng volleyball sabi nung babae kanina. Ang tagal pa. Monday na yung try-out. Gusto ko ng mag ensayo agad ngayon pa lang."

Hindi na ko sumagot sa kanya ng makalabas kami ng Mall.

"Ang layo naman ng ibang Mall dito, baka gabihin naman ako pag pumunta pa ako ngayon."

"Edi bukas after class, saka ka bumili sa ibang Mall."

"Pwede mo ba akong samahan ulit?? please Gwen...."

HAYS!!! ANO PA NGA BANG MAGAGAWA KO. HINDI AKO MAKATANGGI.

"Sige." sagot ko.

"Waaa thank you. So pano mauna na ako sayo. See you tomorrow."

"Okay."

"Bye Gwen, Ingat ka." sabi nya habang papalayo. Tumango lang ako sa kanya at sumakay sa motor ko.
-

Kakatapos ko lang maligo para sana matulog na. Nagpupunas ako ng buhok ng mahagip ng mga mata ko ang isang box.

Yun yung regalo na padala ni Kiara. Kinuha ko yun at naalala ang laman nun.

"Tsukaenai kara...... motto hitsuyōna hito ni ageru dake." sabi ko at inayos ang pagkakasara nun.
(translate: Hindi naman kita magagamit so... ibibigay nalang kita sa mas nangangailangan.)

Kinabukasan pagpasok ko sa School, naglalakad na ako papunta sa room ng biglang may dumanggil o bumangga sa kanang braso ko dahilan ng pagkabitaw sa box na dala-dala ko.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon