Chapter 18 : Stuck Room
Simula nung pumayag ako sa gusto ni Coach Amber na sumali sa team ng Campbell High, unti-unting bumabalik yung dating ako kahit hindi ko man pinapakita sa paglalaro ng volleyball.
Yung lockscreen ko ngayon, last week ko lang nilagay. May part saking namimiss ang pagiging si Queen Of The Court... pero syempre nag-iingat parin ako na walang ibang makakilala sakin except kay Coach Amber na alam na ang tungkol sakin.
BUT NOW!!!
YES NOW!!!
Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit gusto kong malaman ni Jigger ang totoo ngayon.
Hinayaan ko lang tingnan nya ng malapitan ang picture na nasa lock screen ng cellphone ko at kitang-kita ko ang gulat nya habang nakatingin doon.
Saka sya bumaling sakin na gulat na gulat ang mukha. Lumunok ako ng dalawang beses at sinalubong ang tingin nyang iyon.
"Wow..." hindi makapaniwalang tonong sambit nya pero mahina lang.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Tama bang hinayaan kong malaman nya ang totoo??
Tama ba tong ginagawa ko??
Bakit Gwen??
'I don't know... pero may part sakin na gusto kong malaman nya.'
AT YUN ANG HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT.
"Ikaw nga si Queen..."
So obvious na sa tono nyang pinaghihinalaan nya nga ako.
"Fuck..." bulong nya sabay iwas ng tingin at tumingala saka napasabunot pa sa buhok nya.
'I want to see his reaction...'
At ngayon kita kong pinagpapawisan na sya sa harap ko.
Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Bumaling nalang muli ako sa cellphone kong hawak nya at mahinahong kinuha yun sa kamay nya.
Napatingin si Jigger sakin... at nang magdikit ang kamay namin, ayun na naman yung kuryente na pakiramdam na dumaloy sa katawan ko.
Bumibilis lalo yung tibok ng puso ko dahil sa kaba. Agad ko ng kinuha ang cellphone ko at saka tumingin ulit sa kanya.
"Promise me... sekreto lang ang nalaman mo." mahina kong banggit at saka ini-start ang motor at iniwan si Jigger doong nakatayo.
Nang makabalik ako sa condo, napasandal ako sa pintuan kong kasasara ko lang.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
I don't know why.
Hindi ito normal.
SHIT.
-Kinabukasan nagising ako sa tawag ni Eren. Sinagot ko yun at naging matagal din ang pag-uusap namin sa cellphone. Pero yung pagkausap ko sa kanya, hindi tulad noon na excited ako, ngayon kasi parang normal lang sakin.
Napansin yun ni Eren at tinanong kung okay lang daw ba ako. Sinabi ko naman na ayos lang ako.
Nabanggit nya na may practice sila ngayon ng volleyball, sinabi ko sa kanya na galingan nya at saka ako nagpaalam dahil papasok na ako sa School.
Kahit ang totoo eh... may practice din ako ng volleyball ngayon.
Shit nawala sa isip kong sabihin sa kanya na player na ulit ako ng volleyball. Sinubukan kong tawagan si Eren pero hindi nya naman sinagot.
Busy na.
Matagal akong nagbabad sa bathtub. 8am pa ang practice namin, 7am palang naman ngayon. Matapos kong magshower ay nagbihis na ako ng pam-PE. Hindi pa ako kumakain ng breakfast. Siguro sa School nalang, sa Cafeteria.

YOU ARE READING
QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)
Teen FictionQUEEN SERIES #1 Campus Clash 1 : QUEEN OF THE COURT by: agirlwhocussalot Kwento ng isang babae na magaling, mahusay sa larangan ng paglalaro ng volleyball. Isa syang sikat na manlalaro sa bansang Japan at maging sa ibat-ibang bansa sa Asya. She's ha...