PROLOGUE

3.7K 97 2
                                    

PROLOGUE

CAMPUS CLASH INTER HIGH 2019 CHAMPIONSHIP

THAILAND
(Thaima High Green Archer)
VS.
JAPAN
(Sutoku High Black Beast)

Nakapila kami ngayon sa labas ng Main Arena at hinihintay ang pagtawag sa pangalan ng aming Teams. Ang totoo nyan, naiinip na ako sa dami ng sinasabi ng MC.

Palagi namang ganon at wala naman akong magagawa. Kung pwedeng basta nalang pumasok sa loob ay gagawin ko nalang... ang kaso, bawal. Hays!

Nakita ko ang paglapit na Head Coach namin na si Coach Zaiki. Nagpameyawang sya bago magsalita.

"Okay Team!! This is it. Remember, we're undefeated. 3 years straight Champion. And now, we are going to claim another victory this year." seryosong sabi ni Coach at sumigaw ng pang-cheer ang isa kong team mate na si Sunny.

"WHAT TEAM!!!"

"BLACK BEAST!!!" my team answered in a loud cheer.

"WHAT TEAM!!!"

"BLACK BEAST!!!"

"CAPTAIN!!!"

"QUEEN OF THE COURT!!!"

"CAPTAIN!!!"

"QUEEN OF THE COURT!!!"

Yeah! 3 years straight champion ng Campus Clash Inter High. Undefeated... at dahil iyon sakin.

I'm the Captain.
I'm Queen Of The Court.

Dinig ko ang malakas na sigawan sa loob ng Arena at sinisigaw ang titulo ko bilang si Queen Of The Court. Maging ang pangalan ng dinadala kong team ay sinisigaw din nila.

Championship na namin sa larong Volleyball ngayong taon na talaga namang inaabangan ng lahat. Sobrang excited na ako kung alam nyo lang. Championship na, sino ba namang hindi maeexcite sa mga ganitong pagkakataon. Kinalakihan ko na ang sport na Volleyball at talagang gustong gusto kong naglalaro nito... at dahil iyon sa Mama ko.

Nasa bahay ngayon si Mama at alam kong hinihintay nya na akong makita sa T.V para lumaban ng Volleyball. Kalaban ng bansa naming Japan ang bansang Thailand.

Excited ako sa loob-loob ko pero hindi ko iyon pinakita sa mga teammates ko. Nananatili akong kalma at seryoso dahil iyon ang gusto kong makita nila mula sakin.

Kaya naman Mama... hintayin mo ang pag-uwi ko, dahil ireregalo ko sa kanya ang medalyo ng pagkampionado.

Sa sandaling iyon, tinawag na ng MC ang grupo namin.

"THREE TIME CHAMPION OF INTER HIGH. THE UNDEFEATED FROM JAPAN... SOTOKU HIGH BLACK BEAST!!!"

The loud scream I heard made my heart melt. Sobra-sobra ang suportang natatanggap namin. Kaya naman tumataba talaga ang puso ko at nakakagaan ng loob ang pagsuporta nila samin. Sikat na sikat ang team namin hindi lang sa sarili namin bansa, kundi sa ibat-ibang sulok din ng Asya.

Kaya ang laban na ito hindi lang ang mga tao sa Arena ang nakakanood, dahil sa t.v. ay may LIVE Coverage na pwedeng mapanood sa ibat-ibang bansa. Ang Campus namin na SUTOKO HIGH ang isa sa pinaka sikat at kilala na Campus sa buong Asya dahil nga sa larong Volleyball.

Nakahanay kaming lahat at isa-isang pumapasok sa Arena. Ako ang nasa huli, pang main event dahil ako naman talaga ang pinakahihintay ng lahat para panooring maglaro. Ang team namin ay binubuo ng labing dalawang miyembro.

"Chi~tsu! Kore wa tōnamento zentai de no saigo no gēmudesu." -Jinskie
(translate: "Tsk! this is our last game in the whole tournament.")

"Shōjikina tokoro, kono gēmu ni wa amari kyōmi ga arimasen." -Henly
(translate: "Honestly, I'm really not excited for this game.")

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon