Chapter 40 : Nervous

2.1K 81 53
                                    

Chapter 40 : Nervous

Maghapon ang naging training. Nag-focus ako ng sobra sa pagpa-practice na ultimo halos wala akong masyadong kinakausap sa mga co-player ko. Magsasalita lang ako kapag may ipapagawa si Coach o kaya naman si Tamina na pansin kong panay ang tingin sakin. But I remained silent and serious. Ayokong ma-distract ako ng kahit sino ngayon... lalo na bukas, sa mismong Game.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko ngayon na sa sobrang focus at seryoso ko... lumalakas pa lalo ang mga spike ko at karamihan doon ay hindi inaasahang tumatama na sa mga player. May ilan sa kanila ang bumabagsak sa sahig, dahil kung saan-saan tinatamaan sa katawan.

'What the fuck, Gwen!! Hindi na tama yang mga ginagawa mo.'

Tsss I'm just playing here!

Wala man kahit isa akong naging error sa buong practice pero... sumobra na ata ako sa paglalaro. At hindi ko na iyon namalayan hanggang sa huling pag-spike ko... tinamaan sa mukha ang isa sa player ng boys na si Aldrin. Tumalsik sya at natumba sa sahig habang dumudugo ang ilong.

'Shit.'

Lahat sila tumigil at nagulat sa nangyari. Mabilis na tumakbo palapit ang ibang boys kay Aldrin para tulungan at tingnan ito.

Shit I hit him. Nakatingin lang ako sa kanila na tinutulungan si Aldrin na makatayo, hindi na ako umaalis o gumagalaw man lang sa kinatatayuan. 'Anong ginawa mo, Gwen?!!' Wala kana sa sarili mo!!!

"Tol ayus ka lang??" alalang tanong ni Matt.

"Tangina dumudugo ilong mo." gulat na sabi ni Joshua.

"In-english ako nung bola." -Aldrin.

"Siraulo ka!! nagbiro ka pa talaga sa lagay mong yan." -Joshua

Inalalayan nila si Aldrin at pinaupo muna sa bench sa gilid. Kita kong naglabas agad ng first aid kit ang ka-team nya habang kinakausap sya ni Coach Nathan na hindi ko na narinig kung ano iyon.

Tumulo ang pawis ko habang bumibilis at lumalalim ang paghinga. Kinakalma ang sarili dahil sa nangyari. Lalapit na sana ako sa kanila para tingnan ang nangyari kay Aldrin nang lumapit sa akin si Coach Amber. Sumenyas sya sa akin na sumunod ako sa kanya. Hindi pa ako nakakasagot ay naglakad na sya sa kabilang gilid, sa tapat ng bench ng side namin at walang tao.

Bumagsak ang dalawang balikat ko bago naglakad at sumunod kay Coach doon sa gilid. Nang makalapit ako ay naka-crossed arm sya at seryoso ang tingin sakin. Napabuntong-hininga sya bago magsalita.

"Why are you playing dirty??"

Dirty??

"Nagsimula lang ang Set 2 kanina... naiiba na yung paglalaro mo at nagtuloy-tuloy yun hanggang Set 3. Hinahayaan kita nung una dahil alam kong minsan hindi talaga maiiwasan na makatama ng ibang players but..." kita ko ang paglunok nya. Ramdam at kita ko ang pagpipigil nyang wag magalit habang ako'y tahimik na nasa harapan nya.

"...but now, your playing like a mad beast." diin nyang sabi dahilan ng hindi ako makasagot. Mad beast?? Am I??

"Don't you see?? O sinasadya mo?? Gwen, nagta-training tayo para maging maganda at maayos ang laban nyo for the game tomorrow. But why are you playing dirty now??"

I want to speak.

I want to explain.

I want to say sorry.

But... I can't. 'Why the hell I can't??'

"Nagfo-focus lang ako sa training, Coach." walang emosyon kong sambit.

I know she's mad because of what I did. Bakit nya pinipigilan?? Nagkamali ako kaya tatanggapin ko ang galit nya dahil Coach ko sya. She sighed in front of me at kinalma ang sarili para hindi ilabas ang galit sakin.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon