Chapter 1 : Signing Off

2.4K 84 3
                                    

Chapter 1 : Signing Off

ONE MONTH LATER

Isang buwan na ang lumipas nung mamatay si Mama. Natatanggap ko narin naman at nakakamove-on na ako. Pero hinding hindi ko kakalimutan ang lahat ng tinuro nya sakin nung nabubuhay pa sya.

Nasaksihan ni Mama ang paglalaro ko ng Volleyball. At nasaksihan ko din ang hirap nya dahil sa sakit nya.

Sa laban ko sa paglalaro ng Volleyball. Ay laban din ni Mama sa cancer nya.

Mamimiss ko lahat ng ala-ala naming dalawa dito sa Japan. Yes dito nya ako ipinanganak at dito nya ako pinalaki. Pero gusto kong pumunta sa lugar kung saan sya galing.

SA PHILIPPINES. Ang bansa kung saan sya ipinanganak bago pumunta dito sa Japan.

Gusto kong pumunta sa Pilipinas dahil ito ang bansa ni Mama. At may dugo akong filipina.

Iiwan ko ang masasakit na ala-ala dito sa Japan. Pero hindi ko naman kakalimutan ang masasayang ala-ala.

Iiwan ko ang Sutoku High, ang School na pinapasukan ko dito sa Japan. Mamimiss ko ang School na yun.

Maraming nakakakilala sakin bilang si Gwen Gisuke o Queen Of The Court. Sikat ako at madali nila akong nakikilala kaya bago ako umalis dito sa Japan. Binago ko ang sarili ko.

Pinutulan ko ang mahaba kong buhok, na ngayon ay hanggang leeg nalang. Ang dating matingkad na kulay pula kong buhok, ngayon ay blonde na. Ayokong gawing kulay black. Naaalala ko lang ang dati kong Team na Black Beast. Kaya ginawa ko nalang blonde ang maikli ko ng buhok.

Nasa Airport ako ngayon kasama si Yatzi at Kiara dahil sila ang naghatid sakin dito.

"Anata wa totemo chigau yō ni miemasu, gū~en. Anata no kōto no joō ga mienai." (translate: You look very different, Gwen. I can't see Queen of the court in you.) -Kiara.

"I am no longer the Queen of the court, Kiara."

"Are you really going to give up Volleyball?" she asked.

"There's no reason for me to play." I answered.

Hindi na sya nagsalita pa dahil sa sinabi ko. Alam naman nya kasi ang ibig kong sabihin.

"Are you sure you're really going to live in the Philippines??" tanong ni Yatzi.

I nodded in response and smiled at him. Even though Mom was gone, Yatzi still took care of me even though I didn't pay attention to him at first. But now, maayos na ang turing ko sa kanya.

Hindi man sya ang tunay kong ama, Mas pinaramdam naman nya sakin ang pagiging second father nya at dun ko lang napagtanto na gusto nya talaga akong maging anak. Kahit hindi kami magka-dugo.

"Tsumari, sokode benkyō o tsudzukeru koto ni narimasu?" tanong ni Kiara. (That means... you will continue your studies there.)

"Yes."

"Mamimiss kita. Tumawag ka lagi ha." ani Kiara. Ngayon ko lang narinig na magtagalog sya ng medyo mahaba. Dati kasi nagpapaturo sya sakin noon ng tagalog pero paisa-isang salita lang. Kaya naman napangiti ako dahil don.

"Oo naman." sagot ko sa tagalog na lingguwahe.

"I have arranged your accommodation in the Philippines as well as your papers. I bought a condo unit for you. And for your new school, It's up to you to decide what School." -Yatzi.

Napakafluent nya sa salitang ingles kahit pure japanese sya. Isa kasi syang Businessman at kailangan iyon sa trabaho lalo na at marami syang investors at bussiness partner na mga foreiner.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon