Chapter 7 : First Time

1.9K 66 2
                                    

Chapter 7 : First Time

Siguro nga kahit anong gawin kong iwas na pag-usapan ang tungkol sa volleyball, hindi parin talaga mapipigilan lalo na kung ang nasa paligid ko ay mga hindi ko inaasahang mga balibolista pala.

Coincedence?? or Destiny??

Kahit hindi ka magsalita, naririnig mo.

Kahit anong iwas, kapag nakatali naman sayo susunod at susunod parin sayo.

Kahit anong iwas ng sarili ko dahil ayoko talagang pag-usapan at ayokong mangialam sa kanila... Yung puso at isip ko nagre-respond parin.

LALO NA PAG NAKARINIG NA AKO NG HINDI NA TAMANG GAWAIN.

Lahat naman tayo pantay-pantay.
At sana pagdating sa ibat-ibang laro... sana lahat FAIR. Hindi man magsisinggaling o magsisinglakas. Atleast may kanya-kanyang kakayahan ang bawat isa.

Kung nakatago man yun at hindi nakikita ng iba. Show it to them. Hindi ibig sabihin na nagkamali ka ng isang beses eh kailangang tanggalin nila agad.

Lahat namang tayo mahina sa una.
Pero kung mataas ang kumpiyansa mo, hindi uso sa bokabolaryo mo ang salitang mahina. Dapat malakas ka at naniniwala sa sarili mo.

But then again, mali parin ang pamamaraan ng pagta-try out nila dito sa larong Volleyball. It's Unfair.

"You know what? I like you." ani Liza habang nakatingin sakin na ikinagulat ko naman.

"What??"

"I like you."

Iba't iba ang naging dating sakin ng sabihin nya yan.

"Huy Liza... nagkakagusto ka na naman sa babae hahaha." natatawang banggit ni Hanna.

"Napaka boyish kasi. Babae talaga nagugustuhan nyan." -Lorraine

"Mga baliw. Ang ibig kong sabihin I like how she thinks. Porket sinabi kong 'I like you.' may gusto na ako agad... hahaha pwede din." -Liza

Nagtawanan naman sina Hanna at Lorraine. Ako naman ay natawa din pero mahina lang.

"She's cute." dagdag ni Liza.

Medyo nahiya naman ako.

"Well balik tayo sa pinag-uusapan natin." seryosong sabi ni Liza. "Alam mo naisip ko lang tama si Gwen. Medyo unfair nga sa iba, ang kaso eh... walang naglakas-loob magtanong kay Coach kung bakit ganun ang pamamaraan ng try-out nya para pumili ng players."

"Yeah I can see that." mahinang sambit ko.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain habang naguusap parin sila about sa volleyball.

"Excited na ako next week." ani Hanna.

"Na-excite ka pa ha?? kami nga kinakabahan eh pero hindi kami naman natatakot." ani Lorraine.

"Anong ibig mong sabihin?? magta-try out din kayo?? eh diba... player na kayo last year pa." sagot ni Hanna.

"Last year yun. Syempre magtatry-out ulit kami para maging player ulit. Yun ang sabi ni Tamina samin. Hindi porket naging player ka noon eh player ka parin hanggang ngayon. Kung gusto mong maging player ulit ng volleyball, syempre dadaan din kami sa try-out." paliwanag naman ni Liza.

"Ganun ba??" -Hanna

"Oo. Kaya kinakabahan na ako eh. Alam mo naman si Coach, nakakatakot. Sinuwerte siguro kami last year kaya napili kami ni Lorraine." -Liza

"Magaling naman kasi talaga kayo at alam ko yun. Napanood ko kayo eh." sabi ni Hanna.

"Naku mas magaling si Tamina. Hahaha." singit ni Lorraine.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon