Chapter 16 : Speechless

2.5K 75 12
                                    

Chapter 16 : Speechless

Maaga akong pumasok sa School, at sa sobrang aga eh sa gym agad ako dumiretso. Nandito nga ako ngayon sa mismong gitna ng main court, nakatayong nakapamulsa at nakasuot ng PE uniform habang naghihintay.

Ready to play?? Nope.

Hindi pa ako ready sa totoo lang, matagal-tagal narin kasi nung huling naglaro ako ng volleyball. Except na yung kay Hanna dahil tinuruan ko sya nun pero hindi naman ako masyadong naglaro nun.

Iba parin kasi sa pakiramdam kapag nasa totoong court kana ng volleyball tulad nitong kinatatayuan ko ngayon.

Hindi ko maipagkakaila na namiss kong magvolleyball. Kahit naman kasi sabihin kong "ayoko na maglaro" ng ilang beses eh, kusa akong dinadala ng tadhana pabalik sa larong ito.

Nakakabit na talaga ang kaluluwa ko sa larong volleyball, yung tipong pinutol ko na ang tali sa amin pero... may taong nagtali ulit noon para bumalik ako.

At masarap sa pakiramdam na maglalaro ulit ako.

Hanggang sa dinig ko na ngang bumukas na ang pinto ng gym na sinarhan ko kanina pagkapasok ko dito. Nakatalikod ako sa mismong entrance. At naririnig ko ang MGA yabag na papasok.

Ngayon kasi ang start ng practice/training ng mga players at ngayon din ang try-out ko or should I say... ang laban namin ni Jigger.

"Woah..."

"May chicks pala dito."

"Anong meron??"

"Blonde?? kilala ko ang taong may ganyang kulay ng buhok." alam kong boses yun ni Daniel.

Ako naman ay humarap na sa kanila... sa Womens and Mens Volleyball Team ng Campbell High.

Lahat sila nakapam-PE din. At nakita ko doon si Hanna na gulat ding nakita ako pero sumilay naman agad ang ngiti nya at masayang lumapit sakin.

"Gwen..." tawag ni Hanna.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan." ani Daniel at lumapit narin sakin.

"Anong ginagawa mo rito??" tanong ni Hanna.

"You'll see later." sagot ko.

Maya-maya lang ay lumapit sa akin si Tamina na seryoso ang mukha at may masamang tingin sakin.

"You're not a player what are you doing here??"

Kalma nyang tanong pero para sakin may bahid yung pagtataka at galit, dahilan ng pagtataka ko rin kung bakit.

Nakikita ko ang galit sa mga mata nya pero hindi yun nahahalata o nakikita ng iba.

"Tamina---" hindi natapos ang sasabihin ni Hanna.

"Hindi mo ba nakikita na may training ang mga players ngayon." si Tamina sa seryosong tono.

"I know. Hindi naman ako bulag."

Kumunot ang noo nya.

"Then if I were you lalabas at aalis na ako, so would you please... know your place here."

I know my place.

"As I've said you're not a player." doon palang naging madiin ang tono nya.

"Hindi nga."

Hindi pa.

"But I don't take orders." I answered.

Bakit ba nagagalit sya sakin.
Pwede naman nya akong kausapin ng maayos.

Sya na nagsabing hindi ako player.
Actually hindi pa. Kaya bakit ko susundin ang utos ng katulad nyang Captain ng team eh hindi pa nya ako ka-teammates. Hindi pa nya ako under.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Where stories live. Discover now