PROLOGUE

8.6K 140 17
                                    

PROLOGUE



"Mabuti at pinayagan ka nang parents mo na magtransfer."



Nagangat ako nang tingin kay Maya. Nandito kame sa bahay ni Beatrice. Marunong kasing gumawa yung nanay niya nang uniform. Pasukan na kasi sa susunod na linggo kaya kameng lima ay nagpapasukat na para hindi na kame mamroblema.




"Duh, ofcourse support kaya siya." mataray na sabi ni Karel.





"Maganda ba 'don?" tanong ko, inangat ko yung kamay ko para masukat ni tita.




"Aba, Oo naman! Dami pang gwapo!" tumatawang sabi ni karel. Tumigil siya nang lumipad sa mukha niya yung unan na tinapon ni Maya.





"Hoy, Mya! Gusto mo ikalat ko na may gusto ka 'don sa modesty!" sigaw ni Karel.




"Ikalat mo, para malaman na niya na may crush ako sakaniya!" umiling-iling na lang ako sa kadaldalan nila.




"Done.." sabi nang nanay ni Beatrice sakin.




"Thank you, po" sabi ko, ngumiti siya sa'kin kaya bumaba na ako at umupo sa couch.





Pupunta pa kameng mall ngayon dahil bibili kame nang mga school supplies. Nasa hawaii si papa dahil inaasikaso niya yung business namin do'n pero si mama ay nandito sa pilipinas. Kasama ko siya.




"Kanina pa kayo?" tanong ni Suzein na kararating lang.





"Loka ka! Kanina pa kame naghihintay." hinila nang kaonti ni Karel yung buhok niya.





"Gaga ka," sabi niya kay karel at hinalikan ako sa pisnge bago niya nilapag yung bagong chanel bag na kabibili na naman siguro niya.




"Ang ingay niyo!" sigaw ni beatrice.




"Baka magalit si tita." pagsasaway ko sakanila.





Matagal na kameng friends lahat.  Wala nga lang si airam dahil may inaasikaso. Kumuha ako nang juice at uminom sa baso, nilapag ni Beatrice yung maraming chips sa table. Nagkalat kame dito sa living room nila.




Nilibot ko ng tingin yung buong bahay ni Beatrice. Mayaman sila. Isa kasing sikat na designer yung nanay niya. Modern rin yung design ng bahay nila. Matalino rin si Beatrice kaya hanga kame sakaniya at pati narin yung mga magulang niya.




"Gusto mo?" binigay ni Karel yung chips kay Suzein.





"No, thanks. On-diet ako ngayon," sabi niya at tinignan yung pekeng kuko sa daliri niya.





"Tumaba ka sana!" sigaw ni Karel, umirap lang 'to.





Matagal na akong sanay sa ingay nila kaya okay na sa'kin. Hindi na mapipigilan yung mga kadaldalan nila. Okay, lang naman sa'min dahil masaya rin sila kasama. Matagal narin kame kaya wala ng rason para lumayo at helpful rin naman yung mga kadaldalan nila lalo na kapag naboboringan kame.




Nag-transfer ako dahil rin sakanila. Ako lang kasi yung naiibang napapasukan. Lahat sila ay parehas, kaya napa-Oo nila ako. Medyo malayo rin yung university ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nando'n pero ngayon magsasabay na kameng anim dahil magkaparehas na kame ng university.




"Magkita nalang daw tayo do'n sa mall. Sabi ni Airam!" sigaw ni Beatrice dahil nasa kusina siya.





"Alam mo, Irene. Makakahanap ka agad ng jowa do'n, ang lonely mo kasi! Lalo na at maraming hot doon!" natatawang sabi ni Karel.




𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon