Chapter 28

1.5K 39 6
                                    

Chapter 28



"You have work?" tanong ko kay Zach.





Gabi na. At hindi pa ako nakatulog. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa nakita ko kanina sa insta niya. O baka hindi pa talaga ako inaantok. Hindi parin talaga mawala sa isip ko yung nilagay niya na caption. Peace? Ba't naman peace? Ewan ko rin.





Tinignan ko si Zach na abala sa laptop niya. May gingawa siyang importante. Nakakunot pa yung noo. Mukhang may problema sa kompanya nila. Hindi pa ba siya babalik sa states? Nakadim lang yung ilaw dito sa kwarto.





"Yeah. You're not sleeping yet?" tanong niya pabalik, he glance at me before looking back at his laptop again.





"Hindi ako makatulog," bagot kong sabi sakaniya.





I heard his laugh. Tumahimik rin kame. Bumangon ako at dumapa sa kama. I rested my face in my hands while looking outside the window. Maraming stars kaya napangiti ako. But, my smile faded immediately. Dahil naalala ko yung pagstargazing namin dati ni Zach. Naalala ko na nagwish ako sa shooting star pero bakit hanggang ngayon hindi parin natutupad? Hindi siguro talaga 'yon totoo.






"Labas muna ako," sabi ko at tumayo sa pagkakadapa sa kama.






He licked his lips and looked at me, confuse. "Why?" tanong niya.




"Nagugutom ako." sabi ko.





Nag-angat ako ng tingin sakaniya nung hindi siya nagsalita. My brows furrowed because I caught him looking at my stomach! Ba't siya do'n tumitingin?! Baka iniisip niya na buntis ako? Eh wala naman akong alam na dahilan kung bakit siya do'n tumingin. Gutom lang ako at wala ng ibang dahilan.





"You're hungry... Again?" tanong niya.





"I'm not pregnant! Gutom lang ako." sabi ko sakaniya.





"I didn't say you're pregnant, though." sabi niya.





"Eh.. ba't ka nakatingin sa tyan ko?" tanong ko.





"Is it bad to stare at your stomach?" pilosopo niyang sabi kaya kinuha ko yung unan para itapon sakaniya.




Tumawa siya dahil nasalo niya yung unan. I glared at him before walking outside. Naabutan ko pa siya na sinasara na yung laptop niya bago ko isarado yung pintuan. Binuksan ko yung fridge at naghanap ng pagkain sa loob. Buti na lang naggrocery kame kanina. Kung wala, wala sana kameng pagkain ngayon.





"I thought we're going to watch a movie?" tanong niya.





"'Di ba may ginagawa ka pa?" tanong ko sakaniya habang nakatingin parin sa loob ng ref.




"Done." maikli niyang sabi.




"Sige. Wait lang." sabi ko at tumuwad para kunin yung ice cream na nasa ref at yung chocolates na nasa baba.





Nahirapan pa akong kunin. Pero nabigla ako ng nasa side ko na siya. Binuksan niya ng konti yung ref at hinila ako palayo doon at siya na yung kumuha. Napakamot ako sa batok ko habang pinapanood siyang kinukuha iyon. Kumuha na lang ako ng spoon.





Binigay niya sa'kin yung ice cream. Ang laki pala nung nabili naming ice cream, mukhang hindi ko mauubos. Binuksan ko na yung ice cream ng mapansin kong nakatingin parin siya sa'kin. I raised my brow at him.






𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon