Chapter 1

3.2K 89 19
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains SENSITIVE CONTENT, MATURE THEMES and STRONG LANGUAGE that are not suitable for very young audiences.

Plagiarism is a crime.

_____

Chapter 1



"Sana all! Katabi yung crush!" Pagpaparinig sa'kin ni Karel, inirapan ko siya kaya lalo siyang tumawa.



Inakbayan ako ni Mya palabas na nang university dahil natapos narin yung first day of class. Hindi naman masyadong nakakapagod dahil most of the teachers didn't attend, dahil nga first day pa lang. Siguro,  bukas kompleto na silang papasok sa room.




Pinagalitan ko talaga sila Karel dahil sa pagpapahiya sa'kin. Sabi niya okay lang daw 'yon para lalo akong mapansin kaya napasapo na lang ako sa noo dahil sa nasasabi niya. Hindi rin kame nagpapansinan ni Silverio dahil ayoko rin. Baka sabihin niya papansin ako masyado!





"Airam! Kanina ka pa namin hinahanap. Sa'n ka ba nagpupupunta!?" sigaw ni Mya. Tinakpan ko yung bibig niya dahil sumigaw pa talaga. Naagaw tuloy namin yung atensiyon ng ibang dumadaan rin na katulad namin.





"Nilalandi niya yung bagong transfer sa wisdom." tumatawang sabi ni karel.





"Bagong transfer nga kaya 'di pa niya alam yung pasikot-sikot dito!" sabi ni Airam at pumunta sa tabi ko.



"Alam mo, magingat ka nga." rinig kong sambit ni Karel sakaniya at hinila siya ng konti papunta sakaniya. "Nakikita kong pinipicturan mo ng palihim yung notorious na badboy dito, akala mo hah."



"Hindi siya yung pinipicturan ko," paglilinaw pa ni Airam.



May sinabi pa sakaniya si Karel kaso hindi ko na narinig dahil sa ingay ng mga lalakeng nakabasketball attire na kalalabas lang ng gate. Napaismid naman ako ng kumindat sa'kin yung isa. Ang dami ding mga students na kumakain sa gilid.




"Mygosh! Ang ingay niyo." sabi ni Suzein, pinaparinggan siguro sa isang grupo ng mga babae kaya umalis agad 'yon.




"Si beatrice pala?" tanong ko.




"Saan pa? Edi nasa lib. Palagi kayang tambay 'yon do'n." inayos ko yung bag ko sa balikat dahil nahuhulog.




"Kain tayo, nagugutom ako." sabi ko kaya agad silang tumango.




Naglakad kame malapit sa mga nagtitinda nang mga streetfoods. Ang dami ngang vendors eh. May mga upuan at mesa rin doon. Ang daming bumibili kaya pahirapan yung pagbili. Nagawa din agad ng paraan ni Karel. Ewan ko kung pa'no niya magawang mauna sa pila eh kanina lang nasa hulihan kame. Pagkatapos naming bumili ay nagsimula na kameng kumain.




"Busog na 'ko," sabi 'ko sabay lapag sa plastic cup sa mesa.




Nilibot ko ng tingin yung buong lugar. May kumaway pa sa'kin, kaklase ko siguro. Hanggang sa lumipat yung tingin ko sa nakaparadang sasakyan sa 'di kalayuan.





Napahinto ako sa paginom ng coke ng makita kong si Zach 'yon, yung katabi ko sa class na medyo masungit. Pa'no 'ko nalaman yung pangalan niya? Because, I have my ways, char! 'Yon kasi yung tinatawag sakaniya ng mga baklang papansin na nasa likod namin kaya 'yon siguro yung pangalan niya.





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon