Chapter 10

1.6K 44 1
                                    

Chapter 10


"Ang daya mo, Zach!" sigaw ko sakaniya at pilit na inaabot yung pencil.


Naglalaro kame ng xox sa notebook ko dahil nabobored kame. Nasa room na kame at hindi pa dumadating yung teacher. Ang ingay rin sa buong room tapos kame nasa gilid lang habang naghaharutan.




"You're a loser." natatawa niyang sabi.




"Madaya ka lang talaga! Ako na yung next eh tapos ikaw yung naglagay, epal ka!" sigaw ko at inabot ulit yung ballpen.





"Hey, you're now accusing me. It's not my problem anymore if I'm good with this shit." tumawa siya at pinitik yung noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin agad.




"Ewan ko sayo! Next na nga." sabi ko at nagsulat ulit.






Kinagat ko yung pencil ko habang tinitignan kung saan ko na ilalagay. Shempre no! Ayokong matalo ulit, hindi ako talunan. Dapat sana may dare 'to kung sino yung matatalo, mas lalo lang akong magpupursigi na manalo. Gusto kong idare sakaniya na halikan niya ako, char!





Tinignan ko siya na medyo kunot yung noo habang tinitignan yung notebook ko. Natatakpan ng konti yung mukha niya ng buhok niya. Ba't ba ang gwapo niya?! Lalo lang tuloy akong nagkakagusto sakaniya.  Siya kaya kailan? Gusto niya iseminar ko siya. Ang tagal niya akong icrushback!




"Oy! Ang daya mo. Ako na," ngumisi siya.




Hindi ko muna siya pinansin at tinuon yung buong pansin ko sa paglalagay. Gusto ko manalo para matawagan ko siyang...




"Loser!" sigaw ko habang tumatawa, tinuturo turo ko pa yung mukha niya.





He shrugged. "Says the one who didn't win earlier."




I mocked him para mapikon siya, at napikon nga. Dumating narin yung prof namin kaya nakinig na ako, hindi lang puro landi dapat nagaaral din 'no! Para rin 'to sa future namin, char!





Pero paminsan, nadidistract talaga ako kapag malapit sa'kin si Zach sa class. Kung okay lang talagang maging PDA sa class. Nilalambing ko na ngayon si Zach. Marami kasing inggitera dito sa room kaya huwag na lang.





Pagkatapos ng class sa lab ay naisipan namin ni Zach na pumuntang lib dahil may hahanapin kameng libro. Nababahala pa ako dahil baka nando'n si Beatrice, paniguradong tutuksuin ako no'n.





"Nag-uusap pa ba kayo ng ex mo?" tanong ko habang naglalakad kame sa corridor.





Nakita ko yung ibang babae na parang mababalian na ng leeg sa kakatingin. Tumingin ako kay Zach na parang wala lang. Hindi ba niya napapansin or wala lang talaga siyang pakealam? Well, sorry na lang dahil akin na siya, char! Excited self!





"We didn't talked that much. Hindi ko rin siya nakikita." sabi niya.





"So, kung nakita mo siya...kakausapin mo siya?" tanong ko.




"Why would I? We were already done so please can't you moved on?" he said while smirking.




"Hoy! Hindi ah. Okay lang sa'kin! Wala ka narin namang feeling sakaniya, 'di ba?" tanong ko.





"Yeah. Why are we talking about her, again?" tanong niya din sa'kin.




"Wala, tinatanong ko lang." sabi ko at tumawa.





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon