Chapter 20

1.5K 34 5
                                    

Chapter 20



Dalawang araw ang lumipas simula nung mangyare 'yon at dalawang araw narin akong hindi pumapasok dahil nilalagnat parin ako. Balot na balot ako ng comforter habang umiiyak. My whole room is a mess. Sinara ko yung bintana dahil nakita ko kagabi na nakatayo si Zach sa tapat ng bahay namin, hinihintay ako.





zachsilverio: Irene....





'Yon lang yung message niya sa'kin tapos wala na. Inoff ko buong araw yung phone ko dahil naaalala ko lang yung ginawa niya sa'kin. Tumulo ulit yung luha ko ng masagi ulit yung halikan nila sa utak ko.







"Irene!" katok ni Mama sa pintuan ng kwarto ko.








"Bumaba ka na dito. Hindi ka pa kumakain!" sigaw ulit ni Mama.







Pinunasan ko yung luha ko at bumangon sa kama. Hahawakan ko pa sana yung kwintas na binigay ni Zach ng maalala ko na tinago ko 'yon kaya bumuntong hininga na lang ako.







"Maguusap tayo sa baba, kaya bumangon ka na." sabi ni Mama bago umalis.







I looked at myself in the mirror. Masakit na yung mata ko sa kakaiyak at pulang-pula na. Inayos ko yung damit ko at tinali yung buhok ko dahil ang gulo. Hinayaan ko na lang na makalat yung kwarto ko at lumabas na ng kwarto. Lilinisan ko na lang 'yon mamaya.







"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Mama, napatigil ako sa pagkain.







Binigyan ako ni Mama ng isa pang chance para pumili kung sasama ba ako or hinde. Parang dati ay ayaw kong sumama dahil kay Zach pero ngayon... hindi ko na alam kung mananatili pa ba ako dito dahil sa mga nakita ko. Hindi ko parin inaakala na sasaktan niya ako.







"Irene..." tawag ni Mama at hinawakan yung kamay ko. "Ginagawa namin 'to ng papa mo para mapabuti ka lang."







Tumango ako. "Wala na po kame."






Hindi nakapagsalita si Mama. "Anak, isa lang siya sa mga taong dumadaan sa buhay mo. Kaya huwag mong ituon lahat ng atensyon mo sakaniya. You should choose your family first dahil mas matagal mo kaming nakasama kesa sakaniya."







Tumango ako. "I'm sorry, Mama. Sana nakinig na lang ako sa inyo." umiiyak kong sabi.







Lumapit si Mama sa'kin at pinunasana yung luha ko. "Life is full of heartaches, Irene. Ganito rin kame dati ng papa mo kaya ayaw naming matulad ka sa'min na naligaw din ng landas dahil sa pagmamahal namin sa isa't-isa. Hindi namin alam na nasasaktan na pala kame at nakakalimutan narin namin ang sarili namin." sabi ni Mama.







"You will encounter so many people in your life. You will learn so many things. Baka isa lang siya sa mga tao na magpapatibay sa'yo. Kaya hindi dapat minamadali ang lahat, everything takes time." patuloy ni Mama kaya lalo akong umiyak.







Tama si Mama. Marami pa akong makikilala sa buhay ko. Marami pa akong malalaman dahil bata pa ako. Siguro nga... si Zach lang yung isa sa mga taong dumadaan sa buhay ko at paminsan nagbabago rin. Nagbabago rin yung takbo ng buhay naming dalawa.







"This is just the beginning, Anak." sabi ni Mama at niyakap ako kaya umiyak na lang ako sa balikat niya habang yakap-yakap niya ako.







Isang araw pa ang lumipas ay pumasok na ako para makahabol sa mga namiss 'kong lecture at mga assignments. Pumalit din ako ng upuan. Sinabi ko na lang sa adviser namin na medyo hindi malinaw yung mata ko kaya pinayagan din ako.





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon