Chapter 25

1.5K 36 1
                                    

Chapter 25



"What!" sigaw ko. He smirk before handing me a fork. Hindi ko 'yon kinuha at masama siyang tinignan. "Marami akong gagawin kaya hindi ko pwedeng basta-basta lang icancel yung mga gagawin ko."





Tumingin ako sa kaniya na parang walang pakealam. Halos sumabog yung mukha ko sa inis sakaniya. Wala ba siyang magawa sa buhay at ako pa yung bwinibwiset niya?! Kung alam niya lang na ang rami kong gagawin. At siya? Wala ba siyang gagawin?!






"You don't have other choice." he said.





Kinuha niya yung fork at kumuha ng slice sa cake na binili niya. Kunot-noo ko naman siyang pinagmasdan. Ngayon ko lang napansin na isang plato lang nando'n. I raised my brow at him when he positioned the fork infront of my mouth.





"Ayoko. Busog ako." sabi ko sakaniya.





"Just eat it," he said and rolled his eyes.





Inis ko siyang tinignan at tumingkayad para masubo niya sa'kin yung cake. Inis ko parin iyong nginuya habang nakatingin sakaniya. Hindi ko na masyadong nalunok yung kinakain ko dahil kumain din siya sa cake. And, he used the same fork that I used!





"What?" tanong niya nung mapansin niyang nakatingin ako sakaniya.




"Wala." I said before drinking the water infront of me.




"You're not going to eat?" tanong niya.





Umiling ako. "Ayoko n'yan." I lied. Sa totoo lang favorite ko talaga yung cake na binili niya. Pa'no niya nalaman?






"Someone said you love this cake. That's why I buy it." Napatingin ako sakaniya kaya nagkatinginan kame bago ako umiwas.







Tumingin na lang ako sa labas ng bintana dahil kumakain pa siya. Iniisip ko parin kung sasama ba ako? Sa totoo lang kasi balak ko talaga magbakasyon kahit na one week lang. Dahil napagod rin ako ng ilang araw sa kakatanggap ng project.






Tumanggi ako sakaniya dahil hindi ako komportable kapag nand'yan siya! Feeling ko bibigay ako sa kahit na anong gagawin at sasabihin niya. At, ayokong mangyare 'yon sa'kin. Nagiging bulag ako sa lahat kapag nand'yan siya, katulad... dati.






"Are you going with me?" tanong niya matapos punasan yung bibig niya gamit yung tissue.





"Is there have another option?" tanong ko.







He shook his head. "Mas mahirap na yung susunod." he said.






Gusto ko sanang tanungin kung ano yung isa pang option pero huwag na lang. Kagaya ng sinabi niya mahirap na yung susunod. Gusto ko na lang maglaho sa kinauupuan ko dahil hindi ko alam kung anong pagpipilian ko.







"Zach, naman. May ipapaint pa ako. Pa'no kung walang bumili no'n?" sabi ko sakaniya.





"I will buy your paintings, then." he said.





Natigilan kame pareho dahil sa sinabi niya. Naalala ko nung una akong nakapunta sa condo niya. Yung pagsabi ko sakaniya na bilhan niya yung mga painting ko. Lumunok ako at umiwas ng tingin.





"Kung pumayag ako..." sabi ko, pero nakatingin parin ako sa labas. "Saan tayo pupunta?"




"Anywhere you want."





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon