Chapter 5

1.8K 63 9
                                    

Chapter 5



"Ba't hindi niya ako nirereplyan!?" sigaw ko at nagpagulong-gulong sa kama.





Chinat ko si zach ng 'hello' tapos 'good morning' hindi parin siya nagrereply kaya tinext ko siya na 'break na tayo'. Tumawa ako sa tinext ko pero sinend ko parin sakaniya dahil gano'n ako kakapal. Close narin naman kame kaya lalo akong kumapal.





Saturday ngayon tapos wala akong magawa. Tinawagan ko si Karel pero busy pa sa paglalandi. Si Mya, Airam atsaka si Beatrice may ginagawa. Si Suzein malamang nasa mall, puro shopping na lang 'yon ng kung ano-ano.




Nakatulog ako sa paghihintay ng message niya. Pero, kinagabihan nagreply naman siya sa'kin. Hindi siguro ako matiis! Buti naman at chinat niya ako pabalik kung hinde, pupuntahan ko siya sa condo niya, char!



zachsilverio: LOL.




Nabasa niya siguro yung text ko.  Buti na lang online siya. Pumasok ako sa kwarto para pakiligin yung sarili ko dahil chatting kameng dalawa. At, nakakagalit lang dahil pati sa chat ay ang tipid ng sagot niya! Wala na bang mas titipid diyan?




irenemlendez: Ba't hindi mo ako nirereplyan, asawa ko?




Natawa ako. I bit my thumb finger while waiting for his reply. Sana nakakakilig para makatulog ako ng mahimbing ngayong gabi. Pakiligin niya rin sana ako dahil palaging ako lang yung bumabanat sakaniya, kainis!




zachsilverio: You're funny. I can't text while having a family reunion.





irenemlendez: Family reunion? Ba't hindi mo 'ko sinama? Family mo rin kaya ako! I'm your wife, remember?




Lalo akong natawa sa banat ko sakaniya, sana siya din. Nakikita ko na yung itsura niya ngayon habang binabasa yung text. Sana kiligin siya 'no? Para lalo siyang mainlove sa'kin. Huwag siyang magalala kung hindi siya kikiligin ngayon marami pa namang mga araw.





zachsilverio: Kumain ka na?



Luh, pafall yarn?




irenemlendez: Hindi pa, bakit?





Hinintay ko pa siya ng 2 minutes dahil hindi niya pa ako nireplyan, problema niya? Tinignan ko ulit yung text ko. Nasobrahan ba ako sa paglalandi? Ba't hindi siya nagcha-chat pabalik. Naririndi na ata siya sa'kin.






irenemlendez: Sunduin mo 'ko bukas, please. Nakakatamad magcommute.







In-off ko na yung data ko at pumasok na sa bathroom para magshower at matulog. Bukas ko na lang siya tatanungin kung bakit hindi niya ako nireplyan ulit. Dapat gumawa na ako ng patakaran na NO TO SEEN.






Pagkababa ko sa hagdan ay dumiretso ako sa dining at kumagat ng tinapay doon. Hindi ko pa natitignan yung cellphone ko, baka sineen niya lang kasi ako. Knowing him hindi siya mahilig magpost talaga or magchat, ewan ko baka sa'kin lang.






Hinalikan ko si mama sa pisnge, dahil kinakausap niya pa si papa sa phone kaya hindi na ako nagistorbo pa. Pagkalabas ko ng gate ay nalaglag yung panga ko ng makita si Zach na nakasandal sa kotse niya habang nakaharap sa tapat ng gate namin!





"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, at lumapit sakaniya.






"What took you so long?" tumingin pa siya sa relo niya at parang inip na inip ng nakahintay dito sa labas.





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon