Chapter 14

1.5K 50 13
                                    

Chapter 14



"Thank you, Candidate number 4!" sigaw ng mc kahit hindi na naririnig dahil sa sigawan ng mga students na nasa bleachers.






I looked at Zach's reaction kung napabilib ko ba siya sa answer ko, nakangiti siya habang pumapalakpak kaya napangiti narin ako. I'm satisfied with my answer. Kahit na bumalik na ako sa pwesto ay sinisigaw parin nila yung pangalan ko kaya lalo lang akong sumaya.






"Gaga! Ang galing mo!" sigaw ni Karel kaya napatawa ako.






Tumingin ako sa taas ng bleachers dahil nando'n na silang lima. Last na kasi nung inayusan ako kanina kaya nakapanood na si Suzein. Si Mya ay sinasabunutan na si Karel. Si Beatrice at Airam ay pumapalakpak. Tapos si Suzein ay todo picture sa taas. Inayos ko yung postura ng katawan ko dahil malamang ipo-post niya 'yon mamaya sa ig kaya dapat maganda ako.






Nagkatinginan kame ni Jasmine.  Ngumiti agad siya sa'kin kaya ngumiti rin ako pabalik sakaniya. Nakita ko pa na sinulyapan niya si Zach bago pumunta sa harapan dahil siya na yung next na sasagot ng tanong.






"JASMINE!!" sigaw ng mga nasa kaliwa kaya kumaway siya doon.







Marami ring sumisigaw para sakaniya kaya parang feeling ko magkalaban kame dito sa pageant na 'to. Parang siya yung mananalo pero masaya parin ako. Because I've experienced something new in my life. Ngayon ko lang 'to nagawa kaya dagdag memories narin. Ang importante ay nag-enjoy ako.







Nagtanggal ng dalawang candidate kaya tatlo na lang kameng natira. Napuno ng sigawan ang buong lugar nung tinawagan yung number ko. Tinawag rin yung number ni Jasmine kaya sabay kameng nakapasok. Kinakabahan na ako kahit malapit ng matapos.







"Students really like candidate number 4 and 16 huh?" natatawang sabi nung mc, kaya natawa rin yung ibang students.







Nagkatinginan kame ni Jasmine dahil sa sinabi nang mc. Ngumiti siya sakin at hinawakan yung kamay ko para palapitin sakaniya. Tumawa ako dahil hindi ko ineexpect na magiging top 3 ako dito sa pageant.







Bumaba ulit kame sa stage dahil may performance pa yung mga junior students kaya nakapagpahinga rin kame ng konti. I looked at my toe, sumasakit na yung paa ko dahil sa mataas na suot kong stiletto. Magpapahilot na lang ako mamaya.






"Ohmygod! Irene!" sabi ni Suzein habang palapit sa'kin.






"Ano ba," saway ko dahil mangiyak-ngiyak na siya na parang sa Miss universe kame pumasok, baliw talaga.







"Let's take a picture! Do you know yung ibang lalakeng students timatanong yung ig name mo!" sabi niya kaya nanlaki yung mata ko.





"Ano?" tanong ko ulit.







"I think they like you na! Kaya binigay namin ni Karel you know.. para marami kang malandi mamaya!" tumawa siya, napaawang naman yung bibig ko.






"May nilalandi na ako 'no," sabi ko kaya ngumisi lang siya.






Tumatawa pa siyang lumayo sa'min. Nanlaki yung mata ko dahil papunta siya kay Zach pero lumiko din para inisin ako! Nakakainis! Napuno ng hiyawan ng may sumasayaw na sa stage kaya nakikisayaw narin kameng mga candidate doon. Ang saya ngayong araw!






"Okay, Let's call on our 3 candidates!" sigaw nung mc kaya pumunta ulit kame sa stage dahil iaanounce na yung mananalo.







Ngumiti ako sa babae. Candidate din siya at nakapasok sa top three...I think justice siya. Friendly din siya nung nagpapractice pa lang kame. Naging mas tense yung nangyayare dahil natira kame ni Jasmine. Ibig sabihin isa sa'min ang mananalo this school year.






𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon