Chapter 27

1.4K 45 2
                                    

Chapter 27



"About sa sinabi mo kanina?" sabi ko sakaniya.





Bumalik na kame sa maliit na cottage dahil tapos na kameng maligo. Balak ko parin na bumalik pero mamaya na. Dahil napakainit,  siguro mamayang hapon. Ang ganda talaga dito sa penthouse niya. Yung tipong hindi ka mabobored dahil maraming pwedeng ilibang yung sarili mo.







He looked at me. "You don't need to answer that," he said kaya tumango ako, nakahinga ng maluwag.





Ayoko kasing madaliin. Kagagaling lang namin sa breakup dati tapos magbabalikan kame ulit. I don't want to pressure myself at tinitignan ko rin kung tama bang balikan siya. Ayokong magkamali ulit.






"Ang ganda talaga dito sa penthouse mo." nasabi ko sakaniya habang tinitignan siyang naglalagay ng kanin sa plato ko.





"You can do anything you want here." sabi niya kaya sumangayon ako sakaniya.






Tumingin ako sa dagat. Tanging alon lang ang naririnig namin ngayon. It's so peaceful here. Humangin bigla kaya nagulo yung buhok ko. I gathered all my hair and put it on the side of my neck.




Maarawan ngayon dito kaya magandang magswimming sa mga beach. Paiba-iba yunh weather eh. Pero, maganda parin lalo na kapag gusto mong magbakasyon tapos pupunta kayo sa beach para magrelax at magenjoy.






"Here," sabi niya at binigay sa'kin yung plato ko na may ulam na.






Pinanood ko siya na kumuha ng isang upuan para umupo sa tabi ko. Nakaround yung mesa. Akala ko nga hindi siya uupo sa tabi ko pero halos magkatabi na kame ngayon. Umiling na lang ako at nagsimulang kumain.







"How 'bout your father? Hindi ko pa siya nakikita?" tanong ko.





"He's in states." tipid niyang sabi.






Tumango-tango ako. "Ikaw? Diba sa states yung business niyo? Ba't ka nandito?" tanong ko.






He looked at me. I raised my brow, waiting for his answer. "I told you business trip." palusot niya kaya ginulo ko yung buhok niya.






Napatingin ako sa buhok niya na nagulo ko na ngayon kaya tumawa ako. Katulad parin ng dati. Ang lambot parin ng buhok niya. Mukhang nagpagupit siya ng buhok. Dati kasi medyo mahaba pa.





"Babalik ka pa sa pilipinas?" tanong ko.





He stopped eating and looked at me. Feeling ko naiistorbo ko na siya sa kinakain niya dahil sa mga tanong ko. Pero dahil makapal yung mukha ko tinanong ko parin. Parang bumabalik na nga yung dating Irene eh.





"Yeah. You?" tanong niya din.







Narinig ko kila Mama na malapit na kameng bumalik sa pilipinas. Doon na kame magsta-stay siguro dahil nando'n parin naman yung business namin. Yung cafe pero iba yung nagmamanage do'n, yung tita ko na. Pero, pagbabalik kame. Sila Mama na ulit.






"Mhmm.. babalik na kame. Siguro next week." sabi ko.






Tumaas yung dalawa niyang kilay at may chineck sa phone niya pero bumalik rin sa pagkain. Gusto kong tanungin sakaniya kung sasama ba siya pero nahihiya na ako kaya tinigil ko na yung sarili ko sa pagtatanong sakaniya. At sabi niya narin na babalik siya sa pilipinas.






𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon