Chapter 35

1.8K 40 3
                                    

Chapter 35



"Una na kame. May gimik pa kameng pupuntahan. 'Di ka ba sasama?" rinig kong tanong ni Karel.



"Hinde. May gagawin pa ako." sabi ko, at nanatili yung tingin sa ginagawa kong last painting tapos makakapagpahinga narin ako.




Nandito sila sa bahay namin. Silang tatlo ni Mya at Suzein. Gusto ko sanang pumunta kaso kailangan ko pa 'tong tapusin. Nay inaasikaso rin ako, ilang araw lang ang nakalipas para sa gusto kong solo exhibition. Sana nga... matupad na.




"She's always busy, Karel." rinig kong sabi ni Suzein. Tumingin ako sakaniya nang itaas niya yung buhok ko dahil natatakpan yung mukha ko. "You're so hagard na. You don't have time for yourself." maarte niyang sabi.




Tumawa sila Maya kaya sinamaan ko sila nang tingin. "May ginagawa lang ako. Eh, kayo? Puro inom na lang kayo, ah." sabi ko.




"Ngayon lang kame uminom." sabi ni Maya at tumingin sa relo niya. "Bilisan niyo. May pupuntahan pa ako."




Nakahinga ako nang maluwag nung umalis na sila sa bahay. Ang ingay talaga nila. Hindi ako nakakapagconcentrate sa ginagawa ko. Inangat ko yung painting na ginawa ko. Ito yung last destination na pinuntahan namin ni Zach dati bago kame maghiwalay.





Wala na akong maisip na scenery at ito na lang yung natitira sa isip ko. Wala akong choice kaya 'yon na lang. Maganda naman dahil maraming flowers. Para siyang garden. Naglagay na ako nang highlight para gumanda at tinapos na. Ilang oras rin yung nilaan ko para magawa 'yon.




Tinignan ko yung phone ko ng
tumunog iyon. Agad akong natigilan dahil sa wallpaper ng lock screen ko. Kameng dalawa ni Zach. I suddenly remember what happened week ago. Hindi kame nakapagusap ng maayos dahil umalis na ako. Hindi ko siya kayang tignan dahil naaalala ko lang yung sinabi ni Jasmine.





I'm guilty about what happened when I left him. I sigh heavily and just fixed my things. So, I can finally sleep properly. Dumating ako ng maaga sa cafe. Walang masyadong customer kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Pagod pa ako.




"Maam, may kukunin lang po ako." sabi ni Emily kaya tumango na lang ako habang nakatingin sa labas ng cafe.





Napakurap ako ng makita ko yung kotse ni Zach na pumarada sa tapat ng cafe namin. He's wearing a black shirt. May tinitignan siya sa phone niya at nakakunot yung noo. Nang pumasok na siya sa loob ay nagkatinginan kame.




"What's your order?" tanong ko na agad sakaniya.




"Coffee." maikli niyang sabi kaya tumango na lang ako.


Naramdaman kong nakatingin parin siya sa'kin kaya hindi ako tumingin sakaniya. Hindi ko siya kayang tignan dahil sa mga sinabi sa'kin ni Jasmine. Alam niya na galit sa'kin si Zach dahil nando'n siya sa mga panahon na 'yon.




"How long are we going to be like this?" tanong niya.



Nagangat ako nang tingin sakaniya at hindi nakapagsalita. "Hindi ko alam." mahina kong sabi at umiling.



"Are you leaving me again?" he asked me painfully.



Para namang may tumusok sa puso ko dahil sa tinanong niya. Nangako ako sakaniya... pero hindi ko nagagawa. Am I leaving him? Or... I just want to run. To forget all of my problems.




He sigh heavily and pulled my hand closer to him. Nilagay niya doon yung bayad bago lumapit pa sa'kin. I closed my eyes when he kissed my forehead softly. It warmt my heart. Lalo lang ding may dumaan na sakit. We stayed like that for a minute.




𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon