Chapter 26

1.4K 30 10
                                    

Chapter 26



"Akala ko ba may pupuntahan tayo ngayon?" tanong ko sakaniya habang kumakain.





Tinapay lang yung kinain ko dahil diet ako ngayon. I looked at him who's busy cooking. Hindi parin ako sanay na siya na yung nagluluto. Sino kaya yung nagturo sakaniya? Hindi naman pwede si Jasmine dahil hindi nga marunong magluto. Siguro tumitingin siya sa youtube kung pa'no 'yon gawin.





"Later. I have some work to do right now." he said kaya tumango na lang ako.





"You only have six days to go." pagpapaalala ko sakaniya.





Deal is a deal. Akala niya siguro nakalimutan ko na yung deal namin? Pagkatapos ng six days na 'to. Hindi ko na siya makikita or makausap man lang. It's for the both of us. Ayoko na ring istorbohin siya. Mukhang may relasyon sila ni Jasmine.






Kahit na sinabi niya sa'kin na wala siyang girlfriend hindi parin ako naniniwala. I know him very well. Alam kong puro kasinungalingan lang yung sinasabi niya sa'kin. I'm tired hearing his deceptions to me, dati pa lang.





"I know. Why? You want to get rid of me so fast?" tanong niya, hindi siya tumingin sa'kin at patuloy sa ginagawa.






Parang may humaplos sa puso ko dahil sa tinanong niya. And, A slight pain captured my heart. Natahimik ako at hindi siya nasagot. Naguilty ako dahil sa sinabi ko sakaniya kanina. Parang atat na atat akong matapos yung deal para hindi na kame magkita. Pero, 'yon naman yung tamang gawin 'di ba?






"I mean..." nasabi ko.





Nabigla ako ng ngumiti siya sa'kin pero tinatanggi iyon ng mga mata niya. "It's okay. You will not going to see me after this." he said and walked away.





Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa kwarto. I sigh heavily while looking at my plate. He already cooked for me at nakalapag na 'yon sa harapan ko. Tapos pinagsalitaan ko pa siya ng gano'n. Gusto kong sampalin yung mukha ko dahil sa ginawa ko.






Tumayo ako sa stool at naglakad papunta sa kwarto. Open ng konti yung pintuan kaya nakita ko siyang nakaharap sa laptop niya at may ginagawa. Gumawa ng ingay yung pagbukas ko ng pintuan kaya tumingin siya sa'kin. Kaya naglakad ako malapit sa side table ng kama at kinuha yung phone ko bago lumabas ulit.





"Anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko.





Sobra pa akong napahiya kanina. Mukha akong tanga habang naglalakad para kunin yung phone ko kahit wala naman akong gagawin doon. Naglakad na lang ako sa kitchen para gumawa ng pancake. I should appologize to him dahil sa ginawa ko.






Para akong tanga habang dini-design yung pancake. Pang-sorry ko narin 'to. Binebenta 'to sa cafe namin at marami ring bumili dahil masarap. Kaya ito na lang baka magustuhan niya.






Nilagay ko na yung plato na may pancake sa tray at may juice din akong tinimpla. Akala ko gagawa ng ingay yung pintuan pero wala, epal talaga. Gusto ata talaga ako ipahiya nito kanina. Naglakad na ako palapot sakaniya at nilapag yung tray sa table niya. Napako do'n yung tingin niya bago nagtaas ng tingin sa'kin.





I smiled. "Ah... Sorry pala sa sinabi ko kanina."






He looked at the pancake that I made before looking back at me. Para akong nabunutan ng tinik dahil mukhang galit parin siya sa'kin. Gumawa na nga ako ng pancake eh! Ano pa bang gusto niya?! Mas malala pa nga yung galit ko sakaniya eh!





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon