Chapter 23

1.4K 32 6
                                    

Chapter 23



"Irene! Gumising ka nga." sabi ni Jessica at hinarang-harang yung kamay sa bintana na tinitignan ko. "Ano? Hindi mo ba 'yan itutuloy? Tulala ka na lang, girl?!"






Natawa naman si Celine sa'kin kaya umiling na lang ako sakanila. I sigh heavily before reaching the paint brush. Nandito kame sa cafe. Konti na lang yung tao dahil gabi na.  Siguro mga lima nalang nandito, kasama kame.






Isang linggo ang lumipas simula nung huli kong bisita dito. Tumaggap ako ng mga projects para may kita ako. And, good thing na sold out naman agad. Kaya nandito silang apat, nililibre ko. Malaking pera rin yung nagawa ko dahil dito sa passion ko kaya nakakaproud lang.






"Ang sarap talaga ng pagkain niyo dito, Irene." sabi ni Celine habang ngumunguya.






"Huwag niyo siyang istorbohin. Mukhang malalim yung iniisip ng lola niyo." natatawang sabi ni Erica at tinulak-tulak pa ako kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.






Nilagay ko yung braso ko sa mesa habang nakahawak sa noo ko. Ang rami ko pang kailangan na gawin kaya wala muna akong restday ngayong linggo. Mabuti nga magaling na si Mama kaya siya na yung nagbabantay sa cafe.





"Anong mararamdan niyo kapag nakita niyo yung ex niyo ulit sa tagal ng panahon?" nakakunot-noo kong tanong sakanila.






Binaba ko ulit yung tingin ko sa ginagawa ko bago ko sila binalingan dahil naghihigikan na sila. Natigil yung pangunguya ni Jessica. Si Celine ay nakanganga tapos si Erica puro tawa kaya inirapan ko siya.






"Luh, ikaw ah! May jowa ka na pala." natatawang sabi ni Erica.






"Hindi ako, okay? Yung kaibigan ko nagtatanong. Sinabi ko lang sa inyo dahil hindi ko rin alam yung sagot." sabi ko, tumaas yung kilay nila na parang hindi sila naniniwala sa'kin.






"Well, kung mahal ko parin yung ex ko edi lalandi ako ulit." malanding sabi ni Erica.





"Umayos nga kayo!" pikon kong sabi.






"Ako kasi malaki yung galit ko sa ex ko. Kaya... bahala siya sa buhay niya." sabi naman ni Celine.






Nagbikit-balikat na lang ako. Pagkatapos namin kumain ay tinutukso parin nila ako kaya pinauwi ko na sila. Sumabay sa'kin si Mama sa kotse ko dahil wala si Papa. Ngayon lang si Mama sumakay sa kotse ko kaya ninenerbyos siya kapag ako ang nagmamaneho.





"Okay ka lang, Mama?" tanong ko ng marating namin yung bahay namin.





Nakahawak siya sa dibdib niya. "Nakakatakot sumakay sa kotse mo. You're driving so fast, don't do that again!" Saway ni Mama kaya tumawa na lang ako at lumabas na nang sasakyan.





Hindi na ako nagdinner dahil hindi naman ako nagugutom, kumain kame kanina. Kinuha ko na lang yung mga gamit ko para umakyat sa taas ng kwarto ko, dahil inaantok na 'ko.





Pagkatapos kong magshower ay humiga na ako sa kama. I looked at the ceiling, forcing myself to sleep. But, I just see myself reaching my phone in my side table. Inopen ko yung insta ko at tinignan yung notification. Natawa ako ng makita sila Mya na nagiinuman. Minention pa ako para mainggit, epal talaga.





Bago na yung profile ko. 'Yon yung pinicturan ako ni Jessica sa tabi ng pinakamamahal kong painting.  Nasa exhibition kame nung time na 'yon. Actually, sila nagencourage sa'kin na palitan na yung profile ko dahil matagal na daw kaya 'yon na lang.






𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon