Chapter 15

1.7K 43 54
                                    

Chapter 15



Maingat kong sinara yung gate namin para hindi ako makagawa ng ingay bago lumabas at nagmadaling pumasok sa kotse ni Zach na naghihintay sa labas ng bahay namin.






"Morning!" nakangiti kong sabi at tumingkayad papunta sa driver seat para halikan siya.







He smiled at me before holding on to my waist. His other hand is on my hair pulling me closer to him. He sucked my lower lip before pushing his tongue inside, tasting my mouth. Napapikit ako dahil sa sarap niyang humalik.







"Mhmm..morning." bulong niya, nakangiting hinahaplos yung buhok ko.







Hindi parin ako makapaniwala na may gusto siya sa'kin at may label narin kame sa wakas! Parang dati lang nung pinagdadasal ko na sana magkagusto na siya sa'kin tapos ngayon nagkatotoo na nga. Double win tuloy ako kahapon.







Naalala ko pa kagabi na malapit pa kameng mahuli ni Mama dahil malapit pala siya sa gate namin at  buti na lang alerto ako! Hindi ko malilimutan yung nangyare. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko at paghihintay then ito na! Worth it lahat!







"Did you have a good sleep?" tanong niya.







"Oo naman. Ang ganda pa nga ng gising ko eh. Binusog ko pa ng tubig yung mga halaman ni Mama." tumatawa kong sabi kaya tumawa rin siya.






Totoo 'yon! Masyado siguro akong patay na patay sakaniya kaya nung pagkagising ko ako pa yung nagdilig ng mga halaman namin kahit na hindi naman ako inutusan ni Mama at nakapagwork out pa ako sa kwarto ko.








"Even though we just chatted each other that night?" ngumiwi ako pero ngumiti parin.







Kagabi kasi hindi ko siya tinantanan kahit na pagod ako at masakit yung paa ko pero pakiramdam ko gising na gising ako kagabi. Mas gising pa siguro ako sa mga nage-ML kagabi eh.






"Maganda parin naman ako," sabi ko kaya tumawa siya bago ako halikan sa pisnge.





Bumalik narin ako sa upuan ko at tinapon na lang yung bag ko sa backseat at nagseatbelt na. Nakangiti kameng pareho habang nagdri-drive sya. Ng huminto yung sasakyan dahil red light ay inabot niya yung kamay ko at pinagsiklop yung mga daliri namin.






"Wait, wag mong tataggalin!" banta ko sakaniya at kinuha yung phone ko para picturan yung kamay namin.







"You done?" tanong niya dahil malapit ng mag-green light kaya tumango ako at nilagay ulit yung phone ko sa bulsa ko.








Tinampal ko yung kamay niya dahil nililiko-liko niya yung sasakyan niya may prumepreno tuloy samin. Nakita ko na lang yung sarili ko na nakangiti sakaniya.







"Pagnabangga talaga tayo Zach mumultuhin kita!" sigaw ko sakaniya dahil hindi siya tumitigil.







"This is fun," sabi niya kaya tumatawang kinurot ko siya.







"Ayaw ko pang mamatay. Magpapakasal pa tayong dalawa tapos magho-honeymoon tayo at magkakaroon ng limang anak." natatawa kong sabi kaya tumigil din siya.







"Five kids? Are you sure about that?" tanong niya habang nakakunot yung noo.







Napatingin ako sa taas dahil sa mga kabaliwan kong sinasabi sakaniya. Napatampal ako sa noo ko dahil baka hindi ko kaya yung limang anak! Ayoko ng maraming anak dahil baka hindi kaya ng budget eh. Kaya titignan ko na lang at baka hindi rin kaya ng katawan ko haha.





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon