Chapter 41: I MISS YOU ETHAN...

82 12 5
                                    

**CINDY'S RESTAURANT**

"Hooh grabe nakakapagod hayys,,," reklamo ni ate Fity.

"so sasabihin ko lang sa mga stuff na ipaghanda muna kayo ng makakain ha, dyan lang kayo" -Cindy.

kakagaling lang namin sa mahaba habang byahe, pinagawan kasi namin ng sariling tape at cd ang record na nakuha namin dun sa demonyong Andrea na yon pero dahil controversial ang video record na nakuhaan ko ay makukuha namin ang cd at tape after a week. At dahil may trust issues kami dito sa lugar namin, nagbiyahe pa rin kami papunta ng manila para ipagkatiwala ito sa tito ko.

Ayaw din namin na ireport ito agad sa pulis, dahil pulis ang kasabwat ng Andreang yon. 

"Oh guys pasensya na ha... medyo intay tayo ng 10 minutes para sa lunch natin" -Cindy.

"Ayos lang yan Cindy, atleast nakainom na kami ng tubig" -Yannie

**PHONE RINGING**

"Guysss!!!!!! tumatawag si Papa Jed!!" gulat kong sabi.

"bilis!! sagutin mo!!" -Fity.


**KEI'S POV**

 Lumapit si Ethan sakin.....

 Nakatitig Lang ito sa mga mata ko....sa titig nya sakin para syang nangungusap.

 Hindi ko alam kung bakit ganon nalang yung lalim ng nararamdaman ko na para akong matutunaw sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

 "Kei... can I just stare at your face til...." 

 Teka Lang bakit parang naiiyak ako... parang Hindi ko alam kung bakit kumikirot yung dibdib ko.... 

 "til the day we can't be together anymore.." dugtong niya.

 Naiiyak ako at nanginginig na sumagot sa kanya.... 

 "Huh?... a-anong ibig mong sabihin??" 

 Unti- unting tumulo ang luha ni Ethan... Hindi sya nagsalita at hinila Lang nya ang bewang ko papalapit sa katawan nya. Nagitla ako nang gawin nya ito.... Sa sandaling ito nakatingin Lang sya sa akin.... nang biglang.....

 "I love you so much Kei....." bulong nya at pagkatapos non ay dinampi nya ang labi nya sa labi ko. 

 Sa sarili ko hindi ko din maintindihan kung anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya... ang tanging naramdaman ko lang ay ang kirot na nagmumula sa dibdib ko.. ano bang nangyayari?


 "Kei...anak.... Kei???"

Naririnig ko ang boses ni mama... tinatawag nya ako....

 "Kei.... nakahanda na ang almusal anak..."

Nagtaka ako bigla nang magising ako at nakahiga ako sa kama ko.... "panaginip Lang?? Pero bakit totoong umiiyak ako? Bakit totoong Hindi ako makahinga at totoong sumasakit ang dibdib ko?..." tanong ko sa isip ko. 

 "Ayos ka Lang ba anak?..... ngayon lang kita ginising kasi alam kong puyat ka kagabi sa paghahanap ng trabaho..." ani mama. 

Naninikip ang dibdib ko..... at may natulo paring luha sa mga Mata ko.... "Ayos lang ma... masama lang po yung pakiramdam ko dahil sa puyat.." mahina kong sagot.

Lumapit si mama at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko... "anak.... alam ko na nahihirapan ka, at alam ko din na labag sa loob mo na iwan ang trabahong mahal na mahal mo... nagtataka lang ako kung bakit kelangan mo pa pilitin sarili mo na maghirap"

Still You, Only You Where stories live. Discover now