Chapter 9: DUTY WITH YOU

100 5 0
                                    

MAAGA kaming pinapasok sa trabaho. Three hours early kami pinapunta sa station. Ngayon palang kasi sasabihin ni Papa Jed kung ano ang bago naming programa.

"Makinig kayo Kei and Ethan, Drama of Hearts ang pamagat ng programa nyo.. Gaya ng dati mong programa Kei, ang mga listeners mismo ang magbabahagi ng kwento nila tungkol sa pag ibig  pero....." tumingin si Papa Jed saming dalawa ni Ethan.

"Pero ang twist dito, iaact ninyong dalawa  ang kwento. Bahala na ang mga script writers natin sa mga sasabihin nyo, ang kelangan lang dito ay dapat alam nyo ang tamang ekspresyon sa mga line na babasahin nyo"

"So you mean ninong, aacting kami orally?" tanong ni Ethan.

"Exactly" tumingin si Papa Jed sa relo nya "Ok you have 2 hour and 30 minutes to rehears so bilisan nyo na"


Lumabas na si Papa Jed sa studio at naiwan kaming dalawa ni Ethan sa loob.

Huminga ako ng malalim at tumingin Kay Ethan. Kita kong parang kinakabahan din ito kagaya ko. Kinakabahan ako kasi first time ko naman umacting sa radyo eh tapos kasama ko pa tong lalaking toh.

Kinuha ko ang dalawang folder na  magkapatong sa harapan ko. Binigay ko ang isa nito Kay Ethan.

"Basahin muna natin toh, para maintindihan natin kung tungkol saan ang kwento" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sige 30 minutes natin tong basahin and then, irehears saka natin yung mga lines after" sagot nya.

"Okay" Binuklat ko ang folder at tiningnan ang title.

"I still love you my ex?" Napatigil ako ng mabasa ko ang pamagat. Magaling din ang tadhana, talagang magaling mang asar. Imbis na matanggal yung kaba ko lalong lumalala eh.

"Sure ba talaga sila, ito napili nilang kwento?" sabi ni Ethan habang nakahawak sa noo nya.

Klaseng naiinis din sya dahil kwentong iaact namin pero wala namn kaming magagawa kundi sundin yun.

"Why?ayaw mo ba?" Tanong ko na kunwaring patay malisya "I think it's interesting nman" tumingin ako nginitian sya.

Nagsmirk sya "Well, let's give it a try" sabi nya.


Binasa namin ang script ng mabuti para maintindihan namin at malaman kung ano at tungkol saan ang buong kwentong iaact namin. Hinintay naming maubos ang kalahating oras ng pagbabasa namin ng kwento pagkatapos ay irerehears naman namin kung pano ideliver ng maayos ang mga line namin.


"30 minutes over" sabi ni Ethan habang nakatingin sa relo nya.

"So start na tayo sa pagdedeliver ng lines?" tanong ko.

"Yap, ok let's start"


Sa kwentong toh, yung role ko ang pinaka madrama. Yung mga una naming lines, ayos naman at maayos ang pagkakabigkas namin.

Kaso lang habang umaandar ang kwento ay unti unti akong nakaramdam ng lungkot, tumatagos ang sakit sa dibdib ko. May pagkakahawig kasi ang kwentong ito at ang kwento namin ni Ethan noon.


"I'm sorry Diana pero... break na tayo"
-Ethan

"Pero Bakit?" tanong ko.


Di ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko pero, sobrang sakit talaga sa dibdib ko. Alam kong acting lang toh pero naaalala ko kasi yung mga oras na nasa sitwasyong ganto kami ni Ethan.

"Dahil di na pwede, naiintindihan mo ba?!"
pasigaw na sabi ni Ethan.


Nawala na ko ng tuluyan sa sarili ko. Unti unti ng lumabas ang mga luha sa mga mata ko at umiiyak na ko.


"Bakit? Di mo na ba ko mahal? May mali ba kong ginawa?" Tanong ko habang umiiyak.

Napatitig bigla si Ethan sakin ng makita ako nitong umiiyak.

Actually never pa kong umiyak sa harapan ni Ethan. Ayoko kasing ipakita na mahina ako at ayaw kong magmukha akong kawawa lalo na sa harapan nya. Kaya kahit isang beses di pa nya ko nakikitang umiyak.

"H-hindi naman s-sa ganon" nabubulol syang umimik.

Nakatitig lang sya sakin nun.

Mukha talaga kasi akong matapang kung tutuusin, at dahil nga pinapakita ko sa kanyang di ako mahina akala nya wala lang akong pake sa sakit. Di nya alam na madalas akong umiyak, lalo na kung di ko na kayang tiisin ang sakit. Tuwing naiyak ako lagi nalang syang wala sa tabi ko, tuwing kelangan ko sya lagi nlang syang wala. Kaya napakasamang loob ko nung time na magkaroon sya ng bagong gf noon.


Pinunasan ko ang luha ko, "Naku, sorry Ethan ha... sadyang masama lang talaga ang pakiramdam ko"

"D-di a-ayos lang" nabubulol parin sya.


Alam kong nakatitig parin si Ethan sakin nung mga oras na yon at nakatuon lang talaga ang mga mata nya sakin, pero di ko nalang sya pinansin.


Itutuloy ko na sana ang pag rerehears pero di ko makita ang last line na sinabi ni Ethan kanina.

"Hindi nman sa ganon? Yun yung line na sinabi ni Ethan kanina pero...." mahina kong bulong sa sarili ko.


Bigla kong naalala yung last line na sinabi ko kanina. Yun nalang ang hinanap ko at sa wakas nakita ko din ito, pero teka lang....



"Oo, di na kita mahal?"........




Yun ang script na nakalagay Kay Ethan. Nagtaka ako bigla "Pero bakit iba ang sinabi nya sakin kanina?" mahina kong bulong sa sarili ko.



Natigil ako sa pagtataka nang biglang tumunog ang speaker sa loob ng studio namin.

》》》Paging, Kei and Ethan..
For the next program Drama of Hearts《《《


"Uh..." tumingin si Ethan sakin "tinatawag na nila tayo"


Inayos ko ng mabilis ang buhok ko, "sige tara na"


........ ELEVATOR....

Kami lang dalawa ang nasa loob, pero di ko ramdam ang awkwardness dahil sa bigat ng mata ko galing sa iyak.

Tahimik lang ako at deretso ang tingin ko sa pinto ng elevator.

▪•▪• ETHAN'S POV▪•▪•

Nagulat talaga ako nung makita kong umiyak si Kei, di ko alam kung bakit parang bigla akong nanlambot habang nakatingin ako sa mga mata nya kanina.

I see weakness in her eyes, parang sobrang tamlay at hinang hina sya.

Hanggang dito sa elevator, I don't know why I'm still staring at her. It's the first time I see Kei crying.

......On Air Studio....

Drama of Hearts sa Infinite Radio
                   Na pinamagatang:
               "I still love you my ex"
    Starring DJ Kei and DJ  Ethan《

Hanggang sa umere ang programa namin ay nakabaling parin ang atensyon ko kay Kei. I don't know why, am I worried about her? Damn stop it Ethan.

Maybe she feel triggered about the story we act pero..... imposible naman eh.

Nasigawan ko ba sya ng sobra kanina? Pero acting lang nman yon..... tsk tama na nga, I'm thinking about nonsense... stupid.

Still You, Only You Where stories live. Discover now