Chapter 25: PAANO NA?

80 6 0
                                    

▪•▪•KEI'S POV▪•▪•

Tumigil ang mundo ko nang makita kong hinalikan ni Andrea si Ethan.



Sobrang sakit na parang sinaksak ang dibdib ko... bakit kelangan ko pang maramdaman toh? Ano bang kasalanan ko? Nagmamahal lang namn ako ah




Bakit lagi nalang may hadlang??




Iyak ako ng Iyak at sobrang naninikip na ang dibdib ko dahil dito....




Lumingon si Ethan sakin... nakita nya akong nakatayo at nag iiyak




Ethan, you're such a liar.... bakit pa kasi ikaw ang minahal ko? Hanggang ngayon tangang tanga parin yung puso ko





Lumakad ako ng mabilis palayo sa kanila.





Pero sinundan ako ni Ethan, "Kei... wait" sinundan nya ako at sobrang dami nyang sinasabi...




"Kei please talk to me..."





Hinila nya ang isa kong kamay




"Ano ba Ethan, wag mo nga akong hawakan!!"






Sobrang kulit nya at Hindi sya nagpaawat sakin....





"Please Kei! ngayon lang"






"Bakit ba napakakulit mo ha?! Tigilan mo nga ko!"




"Talk to me please! kahit saglit lang"




"Bakit?! Para san pa?! Wala na tayong dapat pag usapan"







"Please Kei....."






"Ethan..... it's almost Eight years , wag mo na ulit guluhin ang buhay ko!"








"Please Kei...listen to me first"






"Bakit ba ayaw mo kong tigilan ha?!"





"Look Kei,  I ....... I still love you "



I smirk at him... "Ano Ethan?! You still love me?! Ethan dalawang taon mong natiis na lokohin ako...
apat na buwan mo kong ginawang tanga at pinaniwala sa mga sinabi mo....
tapos ano Mahal mo parin ako?! Ethan tanga ka ba?
KINAYA MO KONG PAGLARUAN AT IWAN TAPOS SASABIHIN MO MAHAL MO PARIN AKO...
mandiri ka naman sa mga sinasabi mo!"





Unti unting umiyak si Ethan sa harap ko...
"Kei, I'm sorry.....
yes I know tama ka naman eh tanga talaga ako,
NAPAKA TANGA KO!.....
But Kei sobrang nagsisisi na ko sa mga ginawa ko...
Kei ikaw lang talaga ang minahal ko ng sobra at buong buo.... Hindi ko na ba mababalik yung pagmamahal mo?"






"Ginagago mo ba ko Ethan?!? Pero sige tutal nandito na rin lang tayo....
kung mahal parin kita?
OO MAHAL PARIN KITA! Hanggang ngayon Hindi ko alam kung bakit Sino pa yung sumira ng buhay ko... yun parin ang hinahanap ko.....
PERO ETHAN TAMA NA,
Wala na Ethan, tapos na!
TAPOS NA ANG LAHAT! Kaya pwede ba, Kung dati napatay mo yung puso ko ngayon Hindi na!!..
Ethan sawa na ko sa sakit at hapding binigay mo... KAYA PWEDE BA WAG MO NA ULIT PATAYIN YUNG LOOB KO!!"




Tinulak ko sya at umalis na ko at palayo sa ..




Grabe.... grabe yung sakit na tumutusok sa dibdib ko, para akong pinapatay ng unti unti....





............BAHAY.........

"Oh anak, bakit umiiyak ka?" bungad na tanong ni Papa pagpasok ko ng bahay.





Iyak lang ako ng iyak.... lumapit ako kay papa at yumapos ako dito...





"Ok lang ba ang prinsesa ko? Bakit ka naiyak? Ngayon lang uli ako nakauwi tapos dadatnan ko pang malungkot ang prinsesa ko..." sabi ni Papa sakin habang hinahagod ang buhok ko.







Galing ang papa ko sa Bicol, nagtrabaho sya don ng isang buwan kaya ngayon lang sya nakauwi...







Umiyak ako ng sobra habang nakayapos sa kanya..





"Ayos lang ako papa.... namiss lang kita kaya ako ganto..."





Tinapik ni Papa ang likod ko.. "Oh nandito na ko ah... wag ka ng umiyak"






Bumitaw ako Kay Papa.... pumunta ako sa kwarto ko at nagkulong ako don






"Bakit ganto Kei.... bakit sobrang sakit..."





Lumuhod ako at nagdasal...





"Lord... bakit po ganon? Kahit pilitin ko yung sarili kong ibaling nalang ang atensyon ko sa iba, bakit po si Ethan parin yung gusto ng puso ko?....
Lord sobrang sakit nung ginawa nya, pero bakit po ganon? Bakit po sa kabila ng lahat sya parin ang mahal ko....
Lord ano po bang pwede kong gawin? Lord Hindi ko po magawang maging masaya ng totoo, parang nawalan na ko ng pag asa na magtiwala sa kahit sino.... Lord tulungan nyo naman  po ako oh"






Habang nagdadasal.... Hindi pa din humihinto ang mga mata ko sa paglalabas ng mga luha. Sadyang nanunuot ang sakit at galit sa puso ko....

Still You, Only You Where stories live. Discover now