Chapter 2: Suddenly Remember You

229 6 0
                                    

LANTUTAY at matamlay akong dumating sa bahay...

"Ohh bat ganan itsura mo, parang nalugi ka ah, musta pamamasyal nyong magkakaibigan?" , bungad na tanong ni mama sakin.

Dahan dahan kong binaba ang bag kong dala sa sofa at pinunasan ng patago ang luha ko. Suminghot din ako ng mahina para di mahalata ni mama na umiyak ako.

"Ahhh ayos naman ma, sadyang napagod lang ako" palusot kong sagot.

"Ahh sige, kung nagugutom ka may niluto akong menudo dyan..." paalala ni mama.

"Sige ma, pero mamaya na ko kakain, wala pa akong gana busog pa ko eh" excuse ko.

Sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa nangyari, wala pa akong kain simula ng punta ko sa park kanina pero halos wala din talaga akong ganang kumain kaya dumeretso nalang ako papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko doon ay sumalubong ang alaga kong pusa sa may pintuan, ako naman ay agad na humilata sa kama at kinuha ang isa kong unan para yapusin.

Haysss di naman ako galit kay Cindy eh... naiinis lang ako kase iba pala yung pagkakaintindi nya sa lahat ng payo ko at ginawa ko para sa kanya.

Naiintindihan ko naman si Cindy kung yun ang nararamdaman niya, siguro mahal na mahal lng talaga niya si Bryan kaya kahit anong loko nito sa kanya ay lagi niya yung isu-sugar coat at papaniwalain sarili niyang di siya niloloko. Oh Diba, martir nga kung papakinggan eh at sadyang di maganda pero naiintindihan ko si Cindy... Hindi lang dahil sa Psychologist ako pero... nakikita ko sarili ko kay Cindy nung mga oras na ako yung nagmamahal.. at oo tama ang mga sinabi ni Cindy kanina, nasaktan na ako dahil sa pagmamahal.

At maniwala kayo't sa hindi, totoong may ex boyfriend ako....

Ethan ang name nya. Matangkad, gwapo, chinitong moreno at wag ka, sobrang talino nya. Lagi siyang sumasali sa mga debates and dahil sa fluency nya at galing sa english, lagi siyang nakukuha para lumaban sa broadcasting at dala dala nya ang pangalan ng campus namin. He is my first and last boyfriend since I was in Highschool until now, at oo wala nang sumunod sa kanya.

Napaka bata pa namin non.... 14 years old palang ako non at 13 nman sya, mas matanda ako sa kanya ng 4 months pero base sa kilos at pananalita nya parang mas matanda pa sya sakin. 

Naging kami for just two months, pero sa totoo lang hindi talaga ako sure kung naging boyfriend ko ba talaga sya o parang naglaro lang kami ng saglitan..... he is my first love, first boyfriend kahit hindi official, at ang pinakang iba, he is my first kiss ......

Masaya ang naging samahan namin pero ang masama lang di kami legal sa mga magulang ko at sa mga magulang nya. Kaya for me kung tutuusin di talaga kami offiially na mag ex, MU lang siguro o "Mutual Understanding" pero parang mas masasabi kong "Malabong Ugnayan" kung tutusin. Sinubukan ko naman na ipakilala siya at planuhin na ilegal kami sa mga magulang ko kaso......

Noong sigurado na ako sa kanya na ipakilala na sya sa mga magulang ko....

saka naman nalaman ng mga magulang nya kung anong meron samin, aniya ay nagalit daw ang mga ito at pilit kaming pinaghihiwalay. Pero nung mga oras na yun hindi ko alam kung totoo ba ang mga dahilang binitawan niya sakin. Gaya nung batang babae na nakausap ko sa radyo habang naka ere ang programa ko kagabi, pareho ang dahilan nung ex nya at nung ex ko. Kaya nung inaasar ako nina Fity tungkol sa kwento nung babae , ay medyo nakuha ko ang ibig nilang sabihin.

Bawal pa magkaroon ng girlfriend si Ethan kaya kami pinaghihiwalay, paalis si Ethan papuntang Canada. Doon sya mag aaral ng medisina at magtatrabaho kaya bawal muna sya pumasok sa relasyon dahil baka maging sagabal ito bukod sa pag aaral nya ay pati na rin sa pag alis nya.

Still You, Only You Where stories live. Discover now