Chapter 29: GREAT PLAN

143 11 6
                                    

Nakita kong parang nag iba ang tingin ni papa nang marinig ang sinabi ko.

"Manliligaw? Sino?" tanong ni papa

Halaaaa pano na tohhhh.... galit kaya si Papa.

"Pa... wag kang magalit... manliligaw ko pa lang naman sya eh" nagpapaawang sabi ko Kay Papa.

"Manliligaw palang naman pala hon eh, ikaw naman..." -mama

Tumingin si Papa sakin, "Totoo?manliligaw mo palang?.."

"Opo pa..."


Nagpakawala ng buntong hininga si papa, "Sige, papayag akong manligaw sya sayo pero....."

Ano ba yan..... may pero pa

"Pero gusto ko munang makilala kung Sino man yung lalaking yon, maliwanag?"

Ngumiti ako "Opo pa.."

.............................................................

..............................................................

**** OUR PLAN ****

** 5 HOURS AGO **

Alam namin ni Ethan na pareho naming mahal ang isa't isa....

Pero imbis na bumalik kami sa pagiging mag jowa.... tsk syempre di naman pwedeng bumalik kami agad dun

"Liligawan uli kita Kei.... pati buong pamilya mo" sabi ni Ethan habang nag uusap kami sa studio.

"Talaga? Gagawin mo yon?"

"Oo nman... syempre kelangan ko munang gawin yon, pano magtitiwala sakin mga magulang mo kung di ko gagawin yun diba... para makuha ko tiwala nila, ganon ang gagawin ko"

"Sabagay..." napaisip ako bigla "eh pano yung sa mga magulang mo?... pano mo sasabihin sa mga magulang mo ang tungkol satin?"

Nakain kaming dalawa nung mga oras na yon...... kaya nung tanungin ko yon bigla syang nasamid.

Nagulat ako "Uyy.... ano ka ba namn..." kinuha ko ang mineral water na nasa table "Oh heto uminom ka..."

Tumayo ako at pumunta sa may likuran nya, at tinapik tapik ko ang likod nya... "Sorry Ethan ha... syempre kinakabahan lang ako sa sasabihin ng mommy at daddy mo kung malaman nila ang tungkol satin.."


Pinatong ni Ethan ang basong pinag inuman nya sa lamesa... "Hayyss alam mo Kei, wala din naman silang magagawa kung dito ko gustong magkaasawa sa Pilipinas eh tsk, I just don't know why they want me to choose Canadian girl... aanhin ko ang ganda ng mga babae sa Canada kung wala naman akong magustuhan don"

Sumimangot ako bigla "So ano? Ibigsabihin pangit ako? Grabe naman sina tita Jisha... ayaw ba nila ng natural na pilipina, kelangan talaga foreigner.. hayss"

Tumawa bigla si Ethan.

"Oh bat ka tumatawa dyan?" inis na tanong ko.

"Wala naman.... natatawa lang ako sa sinabi mo"

"Che.. gusto mo lang ata ng mga ganun kaganda eh, yung mga mapuputi... eh di dun ka na"

"Hay nako, parito ka nga.." inupo ako ni Ethan sa kandungan nya at habang naka kalong ako sa kanya, binalot nya ko sa mga braso nya "Ikaw? Hindi maganda? Jusko... eh ikaw nga ang pinakamagandang babae sa paningin ko"


Still You, Only You Where stories live. Discover now