Chapter 8: FLUTTERED

113 4 0
                                    

..........Elevator............

Paakyat na ko pabalik ng Studio ko.
Naihatid ko na rin sina Mary sa sakayan.

Nang magbukas ang pinto ng elevator sa  Second floor, saktong papasakay si Papa Jed.

"Oh Kei, kamusta naman.... musta kayo ng partner mo?" Nakangiting tanong nito.

"Ayos naman po, hahaha medyo tahimik at seryoso lang po talaga sya hehe"

Napakamot ito sa ulo nya, "naku, pagpasensyahan mo na ha, ngayon lang nagkaron ng babaeng partner yun sa trabaho nya eh..."


"Naku ayos lang nman po yun hehe, siguro po nahihiya lang sya at naninibago"

Pagdating ng fourth floor, papalabas na si Papa Jed "sige, update ko nalang kayo bukas ha"


"Sige po"

......STUDIO......

Pagbalik ko sa studio, nakita kong wala si Ethan.

"Aba San nanaman kaya pumunta yon?"

Napabaling ang tingin ko sa pwesto nya, at bigla akong napangiti.


(Chuckled) "Akala ko ba di sya gutom"



Nakita ko kasi na wala ng laman ang meal box na  pinaglagyan ng beefstake na binigay ko sa kanya kanina.



"Pero, teka lang" .... pumunta ako sa sulok malapit sa pinto ng studio at tiningnan ko ang basurahan na nandon...

Naka hinga ako ng malamim ng makita itong walang laman. Nagdududa kasi ako na baka tinapon nya ang pagkaing binigay ko.



Lumakad ako pabalik uli sa pwesto ko. Niligpit ko isa isa ang mga naka kalat na pinagkainan namin sa lamesa.


Pagkatanggal ng mga kalat sa table ko ay may nakita akong maliit na green roses keychain at may maliit na papel sa ilalim, nakatupi ito.

Dahan dahan ko itong binuklat.


"To: Dj Kei
From your number one fan:)♡"


Napaisip ako ng mabasa ko ang nakasulat sa papel.

"Kanino kaya galing toh?" mahina kong bulong.


Itinago ko ang papel at keychain sa loob ng Wallet ko, nagtataka ako kung kanino galing yon pero siguro isa sa mga nagapakinig ko ang nagbigay nito.

.............BAHAY..............

"Oh kamusta trabaho?" -mama

Ngumiti ako, "ayos nman Ma"

"Mabuti naman, maghapunan ka na nagluto ako don ng paborito mo, Bicol Express"

"Ahh nga pala ma" inabot ko ang paper bag na dala ko.

"Oh ano toh?"

"Pasalubong ko sayo"

Binuklat ni mama ang paperbag, "Hala, San galing ang pambili mo nito?"

"Sa sweldo ko ma"

Binili ko kasi si mama sa mall ng gamit nya pang bake. May maliit kasing business si mama, nagpapa order sya ng mga bake and pastry products at salamat sa Diyos dahil maganda ang pasok ng biyaya sa trabaho nyang ito.

Still You, Only You Where stories live. Discover now