Chapter 26: TRUE STORY BEHIND OF OUR BREAKUP

108 9 18
                                    

•▪•▪ETHAN'S POV▪•▪•

"Sorry Kei.... pero gusto ko nang makipaghiwalay"

I see the shock on Kei's face, "Huh?! Ethan naman, wag ka nmang ganyan"

Naiinis ako sa mga salitang binitawan ko... kita ko kasi sa mga mata nya na nasasaktan sya eh...

"Sorry... magulang ko ang nagdesisyon nito, wala akong magagawa"

Habang nakatingin ako sa kanya... halata kong pinipigilan nya lang umiyak sa harap ko..

She smiled at me "Don't worry Ethan... tanggap ko naman eh, alam mo proud pa nga ako sayo... kasi di mo sinusuway utos ng mga magulang mo" hinawi nya ang buhok nya "But Ethan... promise me, tutuparin mo yung mga pangako mo ha.. hiwalay tayo pero ako parin ha... I love you..."

Nasaktan ako at nakaramdam ng kirot pagkatapos marinig ang sinabi nya.


Di ako nakaimik....


°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•


By the way... that was the scene when me and Kei broke up...



Kakaiba talaga si Kei... tinitiis nya lahat para lang sakin, but it sucks... kelangan ko talagang gawin yon


Hiniwalayan ko si Kei dati, not because I didn't love her anymore..... hiniwalayan ko sya, because I need to.


Madami pa syang di nalalaman tungkol sakin and ayaw ko na balang araw, masira nalang at mapako ang mga pangako ko sa kanya.


Before I met Kei.... may babae na talaga akong nililigawan noon, and yes it's Andrea.


Andrea is just a simple girl just like Kei.. but Andrea is more childish than her.


That time Hindi ako pinapansin ni Andrea... lagi ko syang pinapadalhan ng mga sulat pero tinatapon nya lang ito.


But when I met Kei... parang nag iba ang ihip ng hangin. Lagi akong napapatingin sa kanya and I don't know why....

Nung makilala ko si Kei, saka naman ako pinansin ni Andrea... kinuha ni Andrea ang number ko sa kaklase ko at lagi nya akong tinetext.

But sorry for her... crush ko na si Kei that time, kaya wala na kong pake sa kanya non.

There is one time na pumunta sila Kei sa sports complex kasama ang mga kaibigan nya at nakita ko na kausap nila ang kaibigan ko.... kakilala pala nila si Luigi.



Dahil sa gusto kong mapansin ako ni Kei, lumapit ako kay Luigi....."Heyy dude what y'all doing? "



At ayon nakita kong tumingin sakin si Kei...



That time.... doon ko nalaman ang pangalan ni Kei.


Nung araw ding yon, dun ko naligtas si Kei.

Nakita ko kasi na madudulas sana sya sa hagdan nung oras na yon... kaya agad akong tumakbo at sinambot sya. Nagkunwari lang akong seryoso non pero ang totoo di ko mapigilang ngumiti pagkatapos ng pangyayaring yon.



Dalawang linggo ang nakalipas, her friend Fity and I get close.... may gusto kasi yung kaibigan nya kay Rony eh kaya tinutulungan ko ito.


Di ko akalaing isang araw sinabi nito sakin na may gusto daw sakin si Kei....

Sobrang saya at lumakas ang loob ko non na ligawan si Kei, kaya simula non lagi ko ng pinapadalhan si Kei ng sulat.

Hanggang sa hindi ko na natiis at nagtanong na ko sa kanya kung pwedeng maging kami... and thankfully oo ang sagot nya.

We have a good four months run but that's it... hiniwalayan ko sya dahil may kelangan pa akong gawin sa buhay ko at ayaw kong mahirapan sya.

I need to be a doctor on Canada... doon gusto ng mga parents ko na magtrabaho ako, scholar ako ng Tito ko and gusto nila na doon na din ako magkaroon ng asawa at pamilya. But when I came on Canada, iniba ko ang gusto ng mga magulang ko.

Kahit gusto maging doktor,  Hindi ko na tinupad yon.... ayokong tuparin yon kung sampung taon ako mag aaral sa Canada para lang don. Iniisip ko lagi ang oras at panahon dahil gusto ko pang tuparin ang mga pangako ko kay Kei.

Hindi din ako naghanap ng babae na mapapangasawa sa doon.... dahil may babae na kong gustong pakasalan at si Kei lang yon.


Back to Andrea...... when me and Kei broke up with each other. Lumakas ang loob ni Andrea na iapproach ako.

That time alam kong Hindi parin nakaka move on si Kei at sa sitwasyon ko, di ko rin alam kung matutupad ko ang mga pangako ko sa kanya. Kaya mabuti na lang kung tutulungan ko syang kalimutan ako.


..... kaya humanap ako ng paraan para di na sya umasa pa sakin at paraan na din para makalimutan na nya ko.



I give Andrea a chance... kaya naging kami ni Andrea. Ginawa ko yon dahil alam kong yun lang ang paraan para kalimutan na nya ako at wag na syang umasa sakin... pero habang tumatagal ang panahon minamahal ko na din ng paunti unti si Andrea.

Laging masama ang tingin samin ni Kei tuwing kasama ko si Andrea, sobra syang nagalit sa kin. Hanggang sa dumating na sa puntong yung galit nya tungkol sakin.. kumalat sa mga kaklase ko.

Dun ako nainis ng sobra Kay Kei.... dahil sa sobra ko syang nasaktan, ang nangyare tuloy nasiraan pa ako.

But now.... naramdaman ko, hanggang ngayon siya parin pala ang mahal ko.
Sobra ang pagsisisi ko sa lahat ng nangyare. Kung maibabalik ko lang sana, kung mapapatawad nya lang sana ako... tutuparin ko na lahat ng pangako ko.

Still You, Only You Where stories live. Discover now