Chapter 28: KEITHAN'S NEW START

107 7 0
                                    

▪•▪•ETHAN'S POV▪•▪•

"Huy... ready na ba yung cassette tape?"

"Oo dude.." -Luigi

"Ehh yung mga bulaklak?"

"Yes, nailagay na namin ng maayos" -Migs

By the way... nandito kami ngayon sa studio kasama ko ang mga boys.

Thankfully pumayag si Ninong Jed na tulungan akong maghanda para sa sorpresa ko kay Kei.

And dahil din sa tulong ng co- Dj namin na si Carl.... nakausap ko uli ang mga kaibigan ni Kei at sobrang salamat sa Diyos, nakiisa sila sakin at tumulong silang tatlo sa mga planong gagawin namin.

"Ok boys, natawagan ko na si Kei and nasabi ko na sakanya na may emergency dito kaya gawin nyo na ang planong naka toka sa inyo...." -Ninong Jed

"YES SIR!" sabay sabay na sigaw ng lahat.


▪•▪•KEI'S POV▪•▪•

"Oh Kei, bakit parang aligaga ka na dyan?"
tanong ni kuya.

"Eh kuya may emergency daw sa station eh, kelangan ko na magmadali" taranta kong sabi.

Agad akong lumabas at tumakbo papuntang sakayan....

Shettt ano kayang nangyari sa studio? Ayos lang kaya silang lahat arggggghhhhhh

**AFTER 30 MINUTES**

Bumaba ako ng jeep.... nakita ko sina Mary, Fity at Cindy sa tapat ng building.

Tumakbo ako papunta sa kanila "Huy! Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?"

Kita ko sa mukha ng tatlo ang taranta...

"Ayos lang kami, mabuti at nakaalis kami agad dun kundi nakasinghot din kami ng lason, pero si Ethan........" 
-Mary

Nagulat ako "Bakit, anong nangyari sa kanya??"

"Di pa sya makaalis dun eh natrap sya... tumatawag na nga ng tulong si Papa Jed eh..." -Cindy

Sobra na ang pag papanic ko at kumakabog na ng sobra ang dibdib ko...

Juskooooo si Ethan po!!!!!

Sa sobrang pag aalala ko, agad akong pumasok sa loob ng station para puntahan si Ethan.

"Huy Kei!! San ka pupunta?! Delikado dyan!!" Sigaw ni Fity.

"Mamamatay si Ethan pag hindi ako pumunta dun"

Dali dali akong sumakay ng elevator... wala ng nagawa sina Fity.

Kita kong wala ng katao tao sa buong stasyon kaya lalong nadagdagan ang taranta ko...

"Si Ethan nalang ata ang nandito..."

Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas at pumunta sa studio namin... nagtakip ako ng ilong at binuksan ko ang pinto ng Studio.

"Huh?"

Napaawang at nanlaki ang mga mata ko....

Ang buong loob ng Studio at nababalot ng mga larawan kong nakadikit sa pader,  mga lobong nakasabit sa kisame at mga rosas na naka kalat sa sahig.....

Unti unti kong inalis ang kamay kong nakatakip sa ilong ko. Pumasok ako sa loob ng Studio at inikot ko ang mga mata ko sa loob nito.

Biglang may tumunog mula sa speaker ng Studio.....

》》 Kei.... ikaw ang pinaka matapang at kakaibang babae na nakilala ko...
Ikaw ang nagturo sakin ng tunay na pagmamahal....
Ikaw ang nagparamdam sakin na kamahal mahal ako....
Ikaw lang..... Ikaw lang ang babaeng kahit ilang beses ko nang sinaktan, nandyan ka parin....
Kahit laging mainit ang ulo ko, nandiyan ka parin.....
At kahit iniwan kita noon, nandiyan ka parin《《

Naluha ako ng marinig ang boses ni Ethan mula sa speaker....

Maya maya pa ay biglang pumasok si Ethan sa pinto.... sumunod naman sakanya ang mga kaibigan nya at sina Mary, Fity at Cindy ay kasama din...

Lahat sila ay may hawak na tigi isang  letra.......

I , ' , M , S , O , R , R , Y

Lumapit si Ethan sakin... "Kei alam ko... alam kong sobra kitang nasaktan and aaminin ko.... napaka kapal ng mukha ko at napakatanga ko dahil ginawa ko yon sayo
Pero Kei.... lahat ng yon, lahat ng yon ay pinagsisisihan ko...
Sinaktan ko ng sobra ang taong laging umiintindi sakin....
Yung taong laging handa na magsakripisyo para lang sakin..." hinawakan ni Ethan ang mga kamay ko
"Kei.... alam kong ang kapal ng mukha ko para tanungin toh pero..... Kei mapapatawad mo ba ko?"

Di ko mapigilan ang saya at unti unting pagtanggal ng sakit na nakabara sa puso ko.....

Tumango ako "Oo namn syempre.... ikaw pa ba.."

Ngumiti si Ethan at niyapos nya ako habang naiyak ako sa sobrang saya...

"YEHHEYYY MABUHAY ANG KEITHAN!!" natatawang sigaw ni Papa Jed.

"Hahaha ninong naman eh..." -Ethan

Pinunasan ko ang luha ko at niyapos ko ng sobrang higpit si Ethan... "I love you.." mahinang sabi ko.

Hinalikan ni Ethan ang noo ko "I love you more... from Now, tomorrow and forevermore"

............................................

............................................

..........KINABUKASAN NG HAPON...........

"Mama.... papa.... punta kayo dito..."

Tinawag ko si mama at papa... naka upo ako sa sofa namin sa salas...

Wooohhhhh Lorddddd helpppp meee

Sana di sila magalit....



"Oh bakit, ano yon?" - mama.


"Bakit, anong meron?" - papa.

Tumabi si mama at papa sakin... pinaggitnaan ako ng dalawa....


Jusko tulungan nyo po ako....


"Ma, Pa..... may sasabihin po ako sa inyo pero.... wag po sana kayong magagalit"


"Eh bakit, ano ba yun?" - mama


Huminga ako ng malalim.... "Eh kasi meron po akong bisita bukas...."



"Oh bisita lang pala eh, bat naman kami magagalit?" -papa


"Eh Sino bang bisita mo? Sina Cindy ba?" -mama

Umiling ako... "Hindi po sina Cindy eh..."



"Eh Sino?" -mama

Huminga ako ng malalim "manliligaw ko po....."

Still You, Only You Where stories live. Discover now