Chapter 14: SELOS KA?

127 6 7
                                    

..............MALL.............

Nag uuli kami ng mga kaibigan ko sa mall. Plano kasi naming mamamasyal manlang, tutal day off ko naman ngayon at free din naman silang tatlo kaya bonding muna kami.

"Eh?! Liligawan ka ni Rony?!" gulat na tanong ni Cindy.

Tumango ako.

"Akala ko ba walang gusto sayo yun?" Tanong ni Mary.

Bumuntong hininga ako, "Ewan ko ba don, nagulat nga ako eh, nung isang gabi bigla nalang syang lumitaw tapos ayun kahapon, kung pede daw ba manligaw"

"Matagal tagal ding nawala yung lalaking yun, halos lahat nga silang magkakaibigan nangawala hahaha" 
-Cindy

"Eh by the way Kei, ano nga palang lagay ngayon ni Rony, anong trabaho nya?"
-Fity


"Well infairness doktor na sya ngayon" natatawa kong sagot.


Ngumiti si Fity,  " Aba doktor na  pala yun?  Eh bakit si Ethan di nagdoktor, diba sabi nya dati sayo medisina yung kukunin nyang kurso?"

"Oo nga nagtaka din ako, bakit nga ba Radio Dj si Ethan ngayon?" -Mary

"Di ko nga rin alam eh, Sabi lang sakin ni Papa Jed News Anchor daw yun sa Canada. Dapat nga daw radio broadcaster sya ngayon eh, sa AM radio sana sya ilalagay ni Papa Jed... " sagot ko.

"Oh eh bakit naging kapartner mo yun as Dj?" -Mary

"Ewan, naawa daw si Papa Jed sakin eh, mag isa lang daw ako sa program ko...  dapat daw magkaroon manlang ako ng kasama"

"Aba malupit, binigyan ka ng partner at talagang ex mo pa hahaha, yiiii talaga ngang tinatadhana kayo ni Ethan hahaha" -Cindy

Kumunot noo ko, "Tadhana ka dyan....ikaw talaga" napakamot ako sa ulo ko........"saka bakit nga pala napunta kay Ethan ang usapan, si Rony ang pinag uusapan natin kanina ah"

"Haha joke lang naman mamsh, pero back to Rony..... bakit naman parang biglaan ang panliligaw nun sayo?" -Cindy

"Kaya nga Kei, saka nung isang gabi lang naman kayo nagkita nung lalaking yun uli ahh" -Fity

"Saka mader, kelan ka pa nya nagustuhan, wag nyang sabihin na nung gabing nagkita kayo nung oras na yun sya nagkagusto"  -Mary

Napaisip ako bigla.

"Hays ewan ko din guys, hinahayaan ko nalang sya... saka manliligaw palang naman sya, di ko naman sya sasagutin lang ng basta"  katwiran ko.

Pumunta kaming apat sa CamTech para tumingin ng camera. Bilang mahilig kaming lahat sa camera, talagang naki usosyo kami sa pagtingin.

Tawang tuwa kami ni Mary sa pagtingin ng Cam, habang sina Fity at Cindy naman ay nakatingin sa mga tripod.

"What the F.. bat nandito tong mga letseng toh?" Biglang umimik si Cindy at naramdaman kong napasandal toh sa likod ko at kinukuwit ako nito.

"Anu ba yon Cindy?" Tanong ko habang nakatingin sa mga cam.

Busy kami ni Mary non sa  pagtingin kaya kahit naka ilang kuwit na si Cindy non sa likod ko, sa mga cams parin nakabaling ang atensyon ko.

"Syett, buhay pa pala yang mga yan?" -Fity

Tumingin ako Kay Mary dahil sa ingay nung dalwa sa  likod.
"Napapano ba yung mga yon?" tanong ko kay Mary.

Still You, Only You Where stories live. Discover now