Chapter 12: BAKIT GALIT?

102 4 0
                                    

Nag uli ang tingin ko sa buong loob ng bahay nila.

"Uy ang lawak dito ha, asensadong asensado ka na bakla" sabi ko pagkatapos ay umupo kami sa sofa nila.

"Naku sis kaloka aalog alog kami dito ni bebe bunso dahil sa lawak"

"Oh eh asan na nga ba si Daisy?" tanong ko

"Jusko, nandon sa kwarto nya nag aayos... oh heto kain tayo ng tacos, ikaw na maglagay ng palaman"

"Wow payaman ka na talaga, may pa tacos pa eh hahaha"

"Hahaha gaga... By the way anyare nga pala bakit nacancell programa nyo?" tanong nya habang nilalagay ang sauce na ginawa nya sa lagayan.

"Ayon nagkaakitan daw kagabi sila Ethan kasama yung mga kaibigan nya na mag inom, eh itong si Ethan umorder daw ng beer kahit alam nyang bawal sa kanya ayon nilagnat" napailing iling kong sabi.

"Luhh bawal pala sa beer yung ex mo?"

"Oo bakla, lahat daw ng alak pwede sa kanya, beer lang ang bawal"

"Pero ang shonga nya uminom pa sya ng beer, alam naman nyang bawal... hay nako kalerki ang exboyfie mo sis" natatawang sabi nya.

"Korek ka dyan bakla.." kumuha ako ng tortilla at pinalamanan ko ito "Nga pala, sina Ethan ang may ari nung Bakery dyan" natatawang sabi ko.

"Eh? Edi Ibigsabihin dito din sya nakatira?"

"Yupp"

"Alam mo ba dun ko binili yang tortilla na yan" natatawang sabi nya.

"Talaga? Tikman ko nga.." kumagat ako sa tortillang hawak ko "Ayyy.... infairness ha masarap hahaha"



▪•▪• ETHAN'S POV •▪•▪

"Hay nako bro, bakit ka pa kasi uminom ng beer tsk"  -Migs

Binisita ako ng apat na lintek na toh sa bahay namin. I'm lying on my bed with this damn fever at nandito sila mismo sa kwarto ko. Nakaupo sila sa apat na upuang nakapalibot sa kama ko and they're all staring at me, except Rony.. busy kasi sa pagcecellphone ang lintek.

"Damn Ethan, anung nakain mo?Basta basta ka nalang lumaklak ang masaklap beer pa"  natatawang sabi ni Luigi.

While they're blaming me about what happened, I'm just here staring at them with a serious look.

"Hay nako Ethan.." napailing iling si Kenneth "Nalaman mo lang na gusto ligawan ni Rony si Kei nagkaganan ka na hahaha"

I look to Kenneth's face and smirk.

"Shut your mouth Kenneth" I look at him with an anger eye.

"Owhh Mr. Castillo chill... I'm just telling the truth" nang aasar na sabi ni Kenneth.

"Oo nga pansin ko din yun.." tumingin si Luigi sakin "Nagalit ka ba kagabi nung malaman mo yon?" tanong nya.

"No" sagot ko sabay pikit ng mga mata ko.

"Tsk, are you mad at me Ethan?" rinig kong boses ni Rony ang nagtanong.

I slowly open my eyes and look at him, "No" sagot ko at pinikit ulit ang mga Mata ko.

"Sige get well soon Ethan..by the way dudes I have to go"
-Rony

Minulat ko ulit ang mga mata ko when I heard na aalis na daw tong isang lintek na toh.

"Sasabay na din kami ni Kenneth kay Rony, pagaling ka dude"  nakangiting sabi ni Luigi.

"Ikaw ba Migs?" tanong ni Rony.

"Sige dudes mamaya pa ko, samahan ko nalang muna si Ethan dito" -Migs

"Geh una na kami, bye Mr. Castillo get well soon" -Kenneth

Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa mga lintek na toh....

Tumingin sakin si Migs "Hoy Ethan"

"Ohh?"

"May Hindi ka sinasabi sakin noh?" tanong nya habang nakatuon ang tingin nya sakin.

"What do you mean?"

Hinawakan nya ang baba nya"Galit ka ba kay Rony?"

Nagpakawala ako ng buntong hininga, "Hindi"

"Are you sure?" Seryosong tanong nya.

Mula sa pagkakahiga ay dahan dahan akong umupo sa kama ko.

Huminga ako ng malalim, "Di ako galit kay Rony...." tumingin ako kay Migs " Naiinis lang talaga ako"

"Eh bakit ka naiinis?" Pinagkrus ni Migs ang mga braso nya "Dahil ba nalaman mo na liligawan nya si Kei?"

I smirked "Ok fine you're right, dahil nga dun kung bakit ako naiinis at yun din ang dahilan kung bakit uminom ako ng beer kagabi that's why I'm lying on this fucking bed now with this fucking fever" inis na sabi ko.

"Bakit? Is there a problem with that? Liligawan lang naman ni Rony si Kei diba? Masama bang manligaw?"

I scrubbed my face using my hands,
"Migs you don't understand.... wala namang problema na manligaw si Rony eh atsaka wala namang masama manligaw"

"Oh eh bakit ka nga naiinis?" Tanong nya.

"Eh bakit kasi si Kei pa? Madami namang ibang babae dyan bakit yung ex ko pa"

Napailing iling si Migs,
"Bakit? Mapipigilan mo ba kung sya mismo ang nagustuhan ni Rony"

Natahimik ako sa sinabi ni Migs.

"Alam mo Ethan, Rony is just helping you, nung nakaraan you just told us na naiinis ka gawa ni Kei. Yes I know it's normal naman na mainis ka kasi ex mo si Kei eh but bro, ex mo na nga eh. Kaya dapat hayaan mo nalang sya, si Rony naman ang manliligaw sa kanya hindi naman ikaw eh"

"Hayss bro, di mo talaga ako naiintindihan..." sagot ko sa kanya.

Ngumiti si Migs sakin "Tapatin mo nga ako bro... don't tell me mahal mo parin si Kei?"

Napailing iling ako at natatawa "C'mon bro, seryoso ka ba? Nilalagnat na ko tapos yan pa itatanong mo sakin"

"Oh eh bat di mo masagot yung tanong ko? Sagutin mo, oo o hindi"

"Hay nako Migs, inaantok na ko I want to take a nap, bahala ka dyan"

Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot sa buong katawan ko.

"Ok bro, matulog ka na nga.... Alis na ko ha , may pupuntahan pa ko"

Rinig kong lumabas na ng kwarto ko si Migs kaya tinanggal ko na ang kumot na nakabalot sakin.

Humiga ako ng maayos at tumingin sa kisame namin.

Sa totoo lang di ko din alam sa sarili ko kung bakit ako naiinis. Nung malaman ko kasing gusto ni Rony ligawan si Kei bigla nalang kumulo yung dugo ko. Syempre Kei is already my ex tapos liligawan sya ng kaibigan ko tsk ano yun tagasalo.

Tsk so weird..... ewan ko bahala sila.

Still You, Only You Where stories live. Discover now