Chapter 3B: THE TIME I FALL TO YOU

137 6 0
                                    

..........LIBRARY........

Pumunta kaming apat nina ate Fity sa library para basahin ang textbook na hiniram namin nung isang araw sa librarian dahil gagamitin namin yon para sa group project. Humahanap din kami ng mga libro na mas makapagpapadami ng info na ilalagay namin sa scrapbook at baby research namin for Arts history.

Highschool palang kami pero ang dami na agad pagawa, hays siguro ganito talaga pag kasali sa Top program ng campus. Literal na nakakalula ang dagdag na gawain.

"Halaaa shettt..." mahinang sabi ni Cindy habang nag aasikaso kami ng mga libro na balak naming hiramin.

Seryoso akong kumukuha ng libro that time kaya hindi ko muna pinansin si Cindy non. Tinitingnan ko ding mabuti kung alin lang yung mga dapat kong hiramin sa librarian, ang bibigat kasi ng mga libro eh.

"Oh Bakit?" tanong ni ate Fity na nasa tabi kong tumutulong na nag babalik ng ibang libro na tinanggal namin sa shelf.

"Mamsh nandito yung wonder boys..." ani Cindy habang panay ang kuwit mula sa likod ko.

"Wonder boys?? Wonder boys bagang?" Nagtatakang tanong ni Mary na halos katapat ko dahil nasa kabilang bahagi siya ng bakanteng shelf na nasa harapan ko.

Patuloy naman ang pagkuwit ni Cindy sakin kaya agad ko itong sinabihan, "Cindy kung ano man yan, mamaya na, ang dami pa nating gagawin oh.."

Napabaling naman bigla ang tingin ko kay ate Fity at biglang nanlaki ang mata nito ng panandalian. "Ayy syet nandito nga Kei..." bigla pang wika nito.

Kumunot ang noo ko, "anu ba kasi yon? Kanina pa ko kinukulit ni Cindy eh di ako matapos tapos dito"

Pinalingon ako ni ate Fity sa pamamagitan ng pagtagilid sa balikat ko... At kahit napipilitan ay napalingon ako nang wala sa oras dahil sa tinutukoy nila.

Sa oras na napalingon ako, gaya ng reaksyon ni ate Fity ay nanlaki din ang mga mata ko nang makita ang limang lalaki na nasa ikaapat na table.

"What the h-, bat nandito sila Ethan?!?.." taranta kong sabi.

"And bakit ngayon pa talaga? Pangit ng timing baka makita ka nila" ani ate Fity.

Nagtinginan kaming apat at pinag iisipan ang kasunod naming gagawin.

"Grabe gusto ko magpalamon sa lupa ngayon, di naman sa assuming ako pero for sure napagusapan na ko ng mga yan.. nakakahiya a'a" bulong na panic ko sa tatlo.

"Wait.." inuli ni Mary ang mga mata nya "dun tayo pumwesto sa likod mader para di ka nila makita.. daan lang tayo dun sa kabila" aniya.

Dali dali kaming pumunta sa likurang table ng library. Dun kami pumwesto para di kami mapansin at makita nina Ethan at ng apat pa nyang kaibigan.

"Hay salamat.... letseng wonder boys kasi toh apaka epal" wika ni Cindy sabay baba ng bag nya sa table.

Natawa ako "Shhhh hinaan mo boses mo, di nga tayo rinig ng mga yon eh baka naman ppagalitan tayo ng librarian" natatawang sabi ko.

Still You, Only You Where stories live. Discover now