Chapter 3C: TOGETHER

125 4 0
                                    

.......FIRST DATE AT PARK.....

"Hahaha ikaw talaga Kei, apaka kulit mo" sabi ni Ethan habang inaasar ko sya.

Nakaupo kami nun sa bench, at wala kaming ginawa kundi mag asaran.

"Eh bakit, totoo naman ah... dinanggil mo ko nung elementary tapos ikaw pa yung nagalit" natatawa kong sabi.

"Sorry na hahah Malay ko ba, mainit lang ata ulo ko non" katwiran nya.

Ngumiti ako sa kanya, "sige na nga"

Ngumiti sya at pinisil ang isa kong pisngi, "aww ang kyut mo eh"

Sumimangot ako, "di ako kyut noh"

"Kyut ka, sobra nga eh"

Sobrang saya ko nung araw na yon, tawanang tawanan lang kami ni Ethan habang nagkukwento sya ng tungkol sa buhay nya.

........One week later......

"Dito ang bahay namin" sabi ni Ethan habang hila hila ang mga kamay ko.

Kinakabahan ako non kasi pumunta kami ng bahay nila. Sikreto lang kasi ang pagsasama namin ni Ethan at di ko ito pinapaalam sa mga magulang ko.

"Uy Ethan, seryoso ka ba? Baka mamaya nandyan ang mga magulang mo.." kabadong sabi ko.

Ngumiti sya "nu ka ba , wala naman sina mami dito sa bahay kaya tara sa loob"

Pumasok kami sa loob ng bahay nila, walang katao tao don.... Dinala nya ako sa loob ng bakery nila, meron kasi silang sariling bakery dun na katatayo lang.

"Oh eto, tumikim ka ng brownies masarap yan.."

Inabot nya sakin ang trey ng brownies at kumuha ako ng isa.

"Hmmmm ang sarapp"

Tumingin si Ethan sakin.....
Napatigil ako sa pagkain dahil sa tingin nya....

Lumapit sya sakin at nakatitig lang sya sa mga mata ko...

Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko.....
Dahil don, nanigas bigla ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw pati pag imik di ko magawa....

Nakatitig lang din ako sa mga mata nya nung oras na yon....

Hangggang sa inilapit pa nya ng sobra ang mukha nya at tuluyan na ngang dumampi ang labi nya sa labi ko....

Napapikit ako ng maramdamang dumikit ang labi nya...... Di nagtagal, tinuon nya ng halik ang labi ko at dahil dun nantaas lahat ng balahibo ko.

Gusto ko syang pigilan pero di ako makagalaw at parang gusto ko lang syang hayaan na gawin yon.

Ilang minuto ang lumipas,

Tinanggal nya ng dahan dahan ang labi nya.....

Ngumiti sya sakin, "I love you Kei.."

Ngumiti ako pabalik "I love you too"

Isinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya at binalot nya ako sa mga braso nya.....

Habang nakasandal ako sa dibdib nya ........ rinig ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso nya.

Oo mahal ko na nga si Ethan pero.... sa tingin ko Mali lahat ng tohh

Still You, Only You Where stories live. Discover now