Chapter 36: IS IT TOO LATE FOR US?

120 7 3
                                    

▪•▪•MAMA'S POV▪•▪•

"Hon... alam mo ba, ramdam ko na sobrang mahal talaga ng anak mo si Ethan..."

Tanging sabi ko sa papa ni Kei habang nagkakape kami sa kusina..

"Ramdam ko naman yon sa anak mo, kaya nga sinusuri ko ng mabuti yung si lalaking yun eh, kaso ngayon..mukhang di ko alam kung tama ba na nagtiwala ako  don.." sabi ng papa nya habang nag iisip.

Nasa kwarto na si Kei at hinintay namin syang makatulog... di kasi sya tumitigil sa kakaiyak kanina eh, sobra kaming nag aalala ng papa nya sa kanya.

"Alam mo hon... sa totoo lang, mabait naman yung batang yon... kaya, di rin talaga ako makapaniwala na magagawa nya yung bagay na yon sa anak natin..."

Humigop ang papa nya ng kape "Alam mo mahal... ganon talaga, di natin masasabi ang mga mangyayari.. hayss iba na talaga ang mga kabataan ngayon... padalos dalos nalang magdesisyon"

"Oo nga eh, pero inaalala ko pa din talaga ang anak mo... magkatrabaho pamandin sila ni Ethan, pano kung makasagabal sa kanya yung nangyari.." pag aalala ko.

Hinawakan ng papa nya ang kamay ko... "Tiwala lang, alam kong kaya yan ng anak natin... basta't suportahan nalang natin sya kung ano man ang magiging desisyon nya kung ano mang mangyari.."

▪•▪•KEI'S POV▪•▪•

12 AM na...  pero hanggang ngayon di pa din ako dinadalaw ng antok..

Tumigil na ko sa pag iyak at tanging sakit nlang at galit ang nararamdaman ko. Hindi ako galit Kay Ethan pero galit ako sa sarili ko...

**Phone Ringing**

Nagulat ako nang marinig na tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha yon mula sa ibabaw ng cabinet ko.

: "Hello... Sino po ito?" mahinang tanong ko.

Other line: "Hello po... sorry po sa istorbo, isa po ako sa stuff ng tv show na Lovesongs ni George Vero sa VNTV and iinform ko lang po na tomorrow na po ang recordings ninyo ni sir Ethorno Evan Castillo, itatanong lang po namin kung ready na po kayo para dito?"

Napatigil ako bigla nang maalala ko na bukas na nga pala ang recordings ng kakantahin namin ni Ethan.... Bwisit na tadhana toh.. lagi nlang akong pinaglalaruan.

:"Ummh... to be honest, I'm not sure kung ready na ba ko for tomorrow but.... I'll try, may trangkaso kasi ako eh... sorry" at pinatay ko na agad ang tawag.

Lalong uminit ang ulo ko dahil don.

"Hayss, bwiset na buhay toh!!"  Sigaw ko sabay hagis ng unan sa pinto ng kwarto ko.

*Door knocks*

"Anak... gising ka pa ba?" rinig ko ang boses ni mama mula sa labas ng kwarto.

Nakaupo lang ako sa kama at Hindi gumagalaw.... hanggang sa buksan ni mama ang pinto ng kwarto ko..

Pumasok ito habang may dala-dalang pagkain, "Nak ohh.. kumain ka muna" nakangiting sabi ni mama.

Nakatitig lang ako sa pagkaing dala nya. Dahil sa totoo lang wala akong gana kumain...

"Kain na.. diba paborito mo yan, pinaghirapan ko pamandin lutuin yan para sayo..." wika ni mama.

Kinuha nya ang kutsara at sumandok sa niluto nyang menudo..

Tinapat nya ang kutsara sa bibig ko, "Ohh tikman mo... sige ka, pag di ka kumain.. magtatampo ako"

Still You, Only You Where stories live. Discover now