Chapter 31: PASADO BA?

115 12 2
                                    

Kinuha ni Papa ang isang wine sa loob ng paperbag "Iho mukhang imported toh ah... mamahaling wine ang mga ito"

Ngumiti si Ethan "Ah ayos lang po yun sir..."

............KUSINA..........

Umupo na kami at nagsimulang kumain.
Kita ko na nakatingin si Papa kay Ethan.

"Uh iho.. ano bang trabaho mo ngayon?" Nakangiting tanong ni mama kay Ethan.

Napatigil namn ako sa pagkain, hahaha nakakagulat... di ko pa nga pala sinasabi sa kanila na katrabaho ko si Ethan.

Madalang din kasing makinig ng radyo sina mama eh... kahit na Dj ako minsan lang sila nakikinig, sanay na daw sila sa boses ko eh hay nako hahaha..

Napatingin sakin si Ethan at napaawang ang labi nito.

Mukhang nagtataka ata kung bakit di alam nina mama na katrabaho ko sya.

"Uh ma... hehe nalimutan kong sabihin sainyo, news anchor po si Ethan dati pero ngayon katrabaho ko na po sya sa station as Dj... sya po yung Dj na pinartner sakin ni Papa Jed" nakangiting sabi ko.

"Ah.... magkatrabaho pala kayo? Pero matanong lang iho, bakit napunta ka sa pagiging Dj?" -mama

"Hmm actually po tita... ninong ko po si papa Jed and kinailangan nya po ng Dj, eh sakto nga po kasi may background ako bilang radiobroadcaster, but ninong Jed want me to be a Dj so ayon po pinartner nya po ako Kay Kei..." -Ethan

"Ahh ganun pala, di mo ba namimiss maging news anchor?" -Mama

"Namimiss ko naman po tita hehe.." kinuha ni Ethan ang baso na nasa tabi ng pinggan nya at uminom... "kaso tita mas naeenjoy ko nman po magtrabaho dito sa Pilipinas as a Dj"

Napatigil bigla si papa sa pagkain at tumingin ito kay Ethan "Bakit iho, Hindi ka ba dito sa Pilipinas nagbabalita dati?" Nagtatakang tanong ni papa.

Tumango si Ethan "Yes sir, actually I'm an anchor on BGC Tv news" nakangiting sagot ni Ethan.

Nananahimik lang ako nung time na yon, nakikinig lang din ako sa pinag uusapan nila pero nung sinagot ni Ethan yung tanong ni papa di ko mapigilang matawa at mapailing iling.

Hahaha grabe, kahit kailan toh si Ethan... antaas ng tingin sa sarili nya  eh haha.

"BGC News? Diba sa Canada yun?" tanong ni papa na parang di makapaniwala.

"Absolutely sir" -Ethan

Dumeretso sa pagkain si Papa at parang kita sa mukha nya... talagang sinubukan nya si Ethan.

Hindi ko alam pero habang nakain ako ay di ko mapigilang matawa sa pag uusap nila.

Maya maya pa ay biglang tumitig si Ethan sa mukha ko..... nagtaka ako kung bakit nakatitig sya sakin...

"Huy.. may amos ba ko? Grabe ka makatitig eh..." nagtatakang tanong ko.

Ngumiti sya "Wala lang.... ang cute mo kasi talaga pag nakain eh" mahinang sabi nya.

*Blush* "Hayy nako, kumain ka na nga lang" sagot ko.

AFTER 10 MINUTES pagkatapos naming kumain, umalis na din si Ethan.
Bumisita lang sya ng saglit sa bahay para mapakilala ko sya kay mama at papa.


Pagkaalis ni Ethan ay tinulungan ko si mama sa trabaho nya.

Habang nagmamasa ako ng dough, nagtutunaw nman ng chocolate si mama.


Still You, Only You Where stories live. Discover now