Chapter 19: TEMPER OF ETHAN

92 7 0
                                    

KINABUKASAN, nagulat ako Kay Carl nang pumasok ito sa Studio namin. Ako lang mag isa ang nasa studio dahil may inuutos si Papa Jed kay Ethan.

"Kei... mag isa ka lang ba dito?asan si Ethan?" tanong nya.

Nakakagulat namn toh, nananaginip ba ko?

Ang gwapo at lalaking lalaki kasi ang datingan ni Carl..... mukha  ngang aakyat ng ligaw sa kung Sino toh eh, may dala pang bulaklak.

"Huyy bakla......... anyare sayo? May costume party ba?" natatawang tanong ko.

"Costume party bagang.... grabe ka naman"


"Hahaha sensya na, naninibago lang ako kakaiba ang dating mo ngayon eh.... mukha kang aakyat ng ligaw"


Umupo si Carl sa table na nasa harap ko, "Buti naman at ikaw lang ang nandito.... may favor kasi akong hihilingin sayo ehh"

"Jusko sabi na nga ba eh......hoy bakla, wag mong sabihing pagpapanggapin mo nanaman akong gf mo para di ka mabuking ng boylet mo... hay nako ayoko na ha..." taas kilay na sabi ko.

Hinampas nya sa ulo ko ang bulaklak na hawak nya, "Gaga Hindi.."

Nagtaka ako bigla "Oh eh ano ba yon? Kelangan talaga hampasin ulo ko?"

Natawa si Carl, "Eh ikaw kasi eh masyado kang ano dyan.... patapusin mo muna kasi ako"

"Eh ano nga yun?"

"Hmmmm kasi..."

"Ano?? Sabihin mo na"

Takte tong baklang toh..... napapano kaya tohh mukhang kakaiba talaga sya ngayon ehh.....

Napakamot sya sa ulo nya... "Eh kasi sis..... feeling ko..... nashoshomboy na ko"


"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko "pano mo naman nasabi? Nagkakagusto ka na ba sa babae?" natatawang tanong ko.

Tumango si Carl, "Oo sis..."


Omygoooshhh hahaha p*t* totoo na tong naririnig ko?!?!

"Oh eh sino yung girl??"

"Hooohhh, Kei wag kang magugulat ha...."


Takte naman Sino ba yonnnn????

"Ganto kasi Kei.... kagabi kasi...."


▪•▪• CARL'S POV▪•▪•

Nagkakasayahan na at nagsasayaw na ang lahat sa gitna.....

Nagsasayaw na ko nung mga oras na yon... pero naramdaman kong may nalaglag na gamit mula sa bulsa ng pantalon ko... and it was my wallet.

Yumuko ako para kunin tohh, pero...

"Uhmm kuya, I think this is yours?"

May isang babaeng kumuha ng wallet ko sa sahig....

Nakablack party dress at brown ang kulay ng buhok nya....

Natulala ako ng sobra sa kanya, Hindi ko alam pero pakiramdam ko bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko nung mga oras na yon.

"O-oo miss, sakin nga tohh, s-salamat ha" nanginginig kong sagot.

Ngumiti ito sakin at nagsayaw uli.....

Still You, Only You Where stories live. Discover now