Taguan

4 0 0
                                    

"Bibilang ako ng hanggang 20."

"Isa"

"Dalawa"

Tinakpan ni Dominga ang mata habang nakaharap sa puno. Nagtatagu-taguan nanaman sila ng kababata niyang si Tolome kahit hindi maliwanag ang buwan. Mainit at maalinsangan ang gabi na iyon at pinapatunayan yun ng mga namumuong libag sa braso at leeg ni Dominga.

"Dalawampu!"

"Heto na ko!"

7 taong gulang na bata, maliit at mataba. Kayumanggi ang kulay at kulot ang buhok. Magandang recipe para maging tampulan ng tukso at pang-aasar. Nasanay na lang si Dominga at nawalan na ng paki-alam sa mga nang-aasar sa kanya. Umabot sa puntong yung mga nang-aasar na ang na-aasar dahil hindi siya naaasar sa kanila. Maliban kay Tolome.

"Boom Tolome!"

"Walang kwenta ang boom mo dahil hindi mo naman ako maabutan sa base. nye nye nye nye"

7 taon at kalahati naman si Tolome, ang masugid na nang-aasar kay Dominga. Walang araw na hindi niya lalaitin si Dominga.

flashback

"Dominga, Dominga"

"Tolome, Tolome"

"Bakit antaba mo?"

"Bakit mo tinatanong? Gusto mo gumaya?"

"ahh mataba! mataba!"

end flashback

Nag-unahan na ngang tumakbo sina Tolome at Dominga, pero hindi talaga "nag-unahan" kasi simula pa lang una na si Tolome, at hingal na hingal na kasunod niya si Dominga. Ayos na rin dahil kahit sa ganitong paraan eh nakakapamaalam si Dominga sa ilang taba niya sa katawan.

"hff hfff hffff... tulungan mo ko Tolome... hfff..  hindi ako... makatayo..."

"Ang lapit lapit lang no'n ahh....? Lagi ka na lang ganyan, baka mamatay ka nang maaga niyan."

"Sira ka, pitong taong gulang lang tayo!"

Tinulungan naman ni Tolome si Dominga dahil kahit inaasar niya si Dominga, eh kaibigan niya pa rin ito.

Tapos lumaki sila at naging magkasintahan.

The end.

Biro lang...

to be continued

*enter jojo's bizarre ending theme*


Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now