Anong ginagawa mo?

2 0 0
                                    

"Wala na kayang ibang character kundi si Tolome at ako?" Sabi ni Dominga kasi wala pa ngang ibang character.

"Ano sinasabi mo?" Sabi ni Tolome kasi silang dalawa lang naman ang magka-usap.

"Ah wala... nagbabasag lang ng fourth wall."

"Ha?"

"Kalimutan mo na... Himala hindi ka ata nang-aasar ngayon."

"Abala ako. Wag ka magulo." Sabi ni Tolome.

"Ano bang ginagawa mo?" Sabi ni Dominga.

"Wala." Hulaan mo kung sino nagsabi.

"Ano ba yan patingin nga." Nilapitan ni Dominga si Tolome sa kinauupuan nitong mesa at tiningnan kung anong ginagawa nito. Siyempre lumapit din tayo para makitingin kasi hindi ko maikukwento sa inyo kung hindi natin malalaman diba.

Nagsusulat pala si Tolome. "Ohh... anong sinusulat mo Tolome?... Patingin!" Sinubukang hablutin ni Dominga ang love letter ni Tolome... ay spoiler..

Nahablot ni Dominga at binasa... "Dear Dominga, matagal ko na gustong sabihin sayo ito, matagal na kitang iniibig." Hinablot ulit ni Tolome ang sulat mula kay Dominga.

"Akin na nga yan!"

"Uyyy... sabi ko na nga ba may gusto ka sakin."

"Anong may gusto, hindi naman yun yung nakasulat eh! Wag mo guluhin yun audience!"

"Nambabasag ka na rin ng fourth wall ah! Hahaha... Hindi nga yun yung nakasulat, pero yun ang gusto mong isulat."

"Labo mo." Nawalan na ng silbi yung narrator.

"hehehe... Bakit di mo na lang kasi sabihin ng diretso may pasulat sulat ka pa. Magkano ba uutangin mo?"

... to be continued




Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now