Pangarap?

2 0 0
                                    

Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero bagot na bagot na si Dominga. Wala pa rin kasi ang kaututang dila niya na si Tolome. Isang linggo pa ang sasayangin ni Dominga bago niya makasama ulit si Tolome.

Hindi mahilig sa technology si Tolome kaya hindi rin siya nakakachat ni Dominga. Hindi naman sa mahilig din sa technology si Dominga pero sa kanilang dalawa ay siya ang mas madalas gumamit nito.

Noong isang beses nga ay naisipan niyang ipalit ang muka ni Tolome sa muka ng... teka lang... hindi ko pa nga pala naikukwento ang sagot ko noong tinanong ako nina Tristan kung gusto kong sumali sa drama workshop nila.

Tumigil si Dominga sa pagnanarrate dahil dumating na ang totoong narrator. At dahil nabanggit na rin naman na ni Dominga ang tungkol sa workshop ay ituloy na natin ang kwento doon.

Tinanggihan ni Dominga ang alok sa kanya ng dalawa. Hindi naman niya gusto ang pag-arte. Hindi niya pinangarap maging artista.

Mabalik tayo sa kabagutan ni Dominga, kaso wala palang maikukwento tungkol dun... kaya dito na nagtatapos ang chapter na 'to.

"Dear diary, nasubukan ko rin sa wakas maging narrator! Minsan ko ring pinangarap yun eh."

to be continued...

Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now