Papel

2 0 0
                                    

Isang umaga, habang papasok sa paaralan sina Dominga at Tolome, nakita nila si Tristan. Nakita rin sila ni Tristan at binati nito si Dominga.

"Ohayou Minoro-San" Sabi ni Tristan kay Dominga, Minoro ang apelyido ni Dominga.

"Ay hindi nga pala tayo Japanese, Magandang umaga Dominga!" Sabi ulit ni Tristan, gusto niya ata ng mahabang exposure. "Eto nga pala oh, para sa'yo Dominga."

Tinitigan siya ni Tolome, si Dominga naman, ngumiti lang tumango at kinuha ang papel na iniabot sa kanya ni Tristan.

"Nawa ay basahin mo yan Dominga, nang maunawaan mo ang hangarin ko." Umalis na si Tristan. Tuloy tuloy lang rin ang dalawa sa paglakad. Nang makalayo na sila kay Tristan, tinanong ni Tolome si Dominga.

"Ano yan?"

"Papel"

"Hindi... sulat ba yan?"

Tiningnan ni Dominga ang papel na binigay ni Tristan. "May nakasulat naman"

"Hindi... Ibig kong sabihin para sa'n yan?"

"Para malaman ko raw ang hangarin niya."

"HINDI!... Ibig kong sabihin... bakit ka niya binigyan niyan!"

"Kasi gusto niya ko..."

Natawa si Tolome kay Dominga. Wag ka naga magpatawa, pa'no mo naman nalaman na may gusto siya sa'yo?

"Kasi binigyan niya ko nito." Tinuro ni Dominga ang papel na binigay sa kanya ni Tristan. Habang nakakunot naman ang noo ni Tolome bakas na ang pagkainis.

"Akin na nga... ano ba kasi yan." Kinuha ni Tolome ang papel. Pagkabasa, binigay niya ulit ito kay Dominga. Naalala niya na binigyan nga rin pala siya ni Tristan kahapon ng papel na 'yon... campaign flyer para sa darating na student council election.

"Sabi sa'yo may gusto siya sa 'kin eh.... boto." Sabi ni Dominga kay Tolome.

to be continued.


Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now