Rocking chair

2 0 0
                                    


"Dominga, bakit ang haba ng last chapter?"

"Hindi ko alam Tolome. Narrator at author lang ang nakakaalam."

Nagkibit balikat na lang si Dominga dahil hindi niya alam ang isasagot kay Tolome. Ano nga ba ang nangyari at bakit napakahaba ng huling chapter? Lingid sa kaalaman ng dalawa ay ginamit ang storyang ito upang makasali ang author sa isang contest.

"Ah kaya naman pala." Sabi ni Dominga habang umiinom ng unpasteurized gatas ng kalabaw na may halong 100% pure tablea. Iniugoy niya ang kinauupuang rocking chair. Pumatak tuloy ng kaunti yung iniinom niya.

"Hahaha! Bakit mo kasi ni-rock yung chair natapon tuloy yung gatas sayang..."Uminom din si Tolome sa baso niya pero hindi niya ini-ugoy ang upuan niya kaya hindi pumatak ang iniinom niya.

"Ni-rock yung chair" inulit ni Dominga ang sinabi ni Tolome. "Wow umi-english, parang hindi bagay sa'yo Tolome."

"Ah hindi ba bagay, hahaha..." Uminom ulit si Tolome.

"Hindi bagay, dahil ang bagay sa'yo... ako." Nakangiting sinabi ni Dominga kay Tolome.

Muntikan nang mabuga ni Tolome ang iniinom niya pero buti na lang at kaunting patak lang ang nasayang.

to be continued...



Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now