Nasa'n tayo?

2 0 0
                                    

"Andito na tayo!" Sabi ni Dominga kay Tolome.

"Oo nga eh, nakita ko nga... pero tayong dalawa lang nakakakita, nasa'n ba tayo para malaman ng readers?" Sumagot naman si Tolome habang nilulubog niya ang paa niya sa buhangin at habang nilalanghap ang maaliwalas na amoy ng dagat.

"Andito tayo sa isang barko! Meron kasing artificial beach dito sa napakalaking barko kaya may buhangin sa paa ni Tolome." Sabi ni Dominga habang nilalapitan niya si Tolome.

Hinablot ni Tolome ang braso ni Dominga at bumulong "Anong ginagawa mo Dominga? Bakit iba yung sinasabi mo sa narrator?" Itinuro ni Tolome ang halos walang katupusang buhangin tapos tinuro niya rin ang dagat.

"Halos walang katapusan ang buhangin dahil inifinity beach ang andito sa barko." Nilapit ni Dominga ang bibig niya sa tenga ni Tolome. "Sinusubukan ko yung narrator." Nakangising sinabi ni Dominga kay Tolome. Payapa ang umaga at hindi kapani-paniwala ang dami ng tao nang araw na iyon.

"Napakarami ng tao kasi hologram lang yung iba, para mas maramdaman ng mga totoong tao na nasa beach sila kahit na nasa barko naman talaga sila at inifinity pseudo beach lang iyon." Nilagay ni Dominga ang kamay niya sa bewang niya at lumingon lingon sa paligid.

"Tama na Dominga, mamaya magalit yung narrator kung ano ano inarrate niya halimbawa, may biglang umatake na mga shokoy mula sa dagat o kaya biglang dumilim ang paligid at magbiyak biyak ang lupa at may lumabas na tusok tusok na mga puno na nagbabaga, o kaya unti unti na lang mamatay yung mga tao sa paligid nang walang nakakaalam kung bakit."

"Ayaw mong mamatay ako?" Nilapit ulit ni Dominga ang muka niya sa muka ni Tolome.

"Bakit ko naman gugustuhing mamatay ka?" Tumalikod si Tolome kay Dominga.

Kinuha ni Dominga ang cellphone niya sa bulsa "Ah so gusto mo ko?" Sabi niya.

"Magkaiba ang gustong kong buhay ka, sa gusto kita" Laking gulat ni Tolome nang makita si Dominga na nirerecord siya. "DOMINGA!!"

to be continued...





Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt