Burol

2 0 0
                                    


"Sabi ko naman kasi sa'yo wag ka na sumama eh, hingal kabayo ka tuloy kahit baboy ka." Sabi ni Tolome kay Dominga matapos nilang huminto sa ikalimang pagkakataon. Umaakyat kasi silang dalawa sa isang maliit na burol na nakita nila sa likod ng paaralan nila nung minsang nagcutting class sila kasi nabagot sila dahil may program lang sa school nila kasi sige na nga itutuloy ko na ang kwento.

"Salamat sa concern." Ngumiti si Dominga kay Tolome. "Wag ka mag-alala, kaya ko 'to. Tamo, maya maya lang andun na tayo sa tuktok"

"Lima ba ang tuktok ng burol na 'to? Limang beses mo na yan sinasabi eh"

"Uy pusa!" Tinuro ni Dominga ang itim na pusang nakita niya sa tabi ng isang puno malapit sa kanila. "Bakit may pusa dito?" Sabi ni Tolome

"Hindi ko alam, tara lapitan natin!" Hinila ni Dominga ang kamay ni Tolome. Biglang nagkalakas si Dominga matapos makita ang itim na pusa.

"Sabi ng tatay ko, malas daw ang mga itim na pusa... sabi naman ng nanay ko tyanak daw sila." Nag-aalangang lumapit si Tolome sa pusa samantalang pinipilit naman siya ni Dominga na mas lumapit pa sa pusang itim. "Wag na nating lapitan yan, mamaya minalas na tyanak yan, mapagbuntunan pa tayo ng galit niya."

"Hindi totoo yun... Tamo." Pinaamoy ni Dominga sa itim na pusa ang kamay niya. "Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Tolome. "Pinapa-amoy ko ang kamay ko para malaman kung papayag ba siyang hawakan ko siya. Kapag nilapit niya ang muka niya sa daliri ko, ibig sabihin payag siyang hawakan ko siya. Napanuod ko yun sa internet."

"Hindi totoo yun..."  Sabi ni Tolome

"Anong totoo? na minalas na tyanak ang pusa na 'to? San siya minalas sa sugal?" Nagtawanan silang dalawa, habang lumapit naman ang pusa at dumikit sa binti ni Tolome.

"Mukang mabait ang pusang ito." Sabi ni Dominga, "Tingnan mo oh, nakataas ang buntot niya." Tinuro ni Dominga ang buntot ng pusa na nakatalikod sa binti ni Tolome. "Tinataas niya pa yung pwet niya....wahhhh"

Nagulat na lang si Tolome na inihian siya ng pusang itim sa binti.

"hahaha... pag-mamay-ari ka na daw niya kaya ka niya inihian" sabi ni Dominga.

"Andami mong alam sa pusa ah.."

"Mahilig ako sa pusa eh."

"May baboy palang mahilig sa pusa." Nakangisi si Tolome habang nakatingin kay Dominga.

"Kung ako baboy na mahilig sa pusa, ikaw, mapang-asar na may gusto sa baboy na mahilig sa pusa!"

"Gusto kita?! Gusto kitang iwanan... balakajan!" Tumakbo na nga si Tolome pababa ng burol at iniwan si Dominga kasama ang pusa.

"May gusto talaga sakin yun. Anong tingin mo, itim na pusa?"

"Meoewan"



Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon